"O paano yan, mag-eempake na ako ang mga gamit ko," sabi ni Pedro Penduko na may halong buntong hininga.
Mabigat ang damdamin ni Eternal Wanderer. Tahimik lang siyang nakahiga sa kama habang pinapanood si Pedro ilagay ang mga natiklop na damit sa loob ng maleta.
Inalok ni Pedro si Eternal Wanderer na sumama sa probinsya para sila'y magsama. Pero tumanggi si Eternal Wnaderer. Hindi nya yata kaya ang ideyang makipag-live in ng todo-todo with another guy. At lalong hindi siya handa na gumanap sa lead role ng re-make ng "Madrasta." Sa buong buhay nya, never nyang inasam na maging isang Teh Shawie.
Echoz lang.
Ang totoo nyan, alam naman ni Eternal Wanderer na may taning talaga ang pagsasama nila ni Pedro. Hindi option para kay Pedro na mag-stay pa sa Maynila. Hindi rin naman option kay Eternal Wanderer na magpakaladkad sa probinsya sa ngalan ng kati pag-ibig. Walang magawa si Eternal Wanderer kundi tanggapin ang ganung circumstances.
Matapos magligpit ng gamit si Pedro ay nahiga rin sya sa kama. Sumiksik talaga sya sa side kung nasaan si Eternal Wanderer. Yinapos nya ito ng mahigpit at sinabi, "Mami-miss ko ang kwarto mo. Mami-miss ko ang higaan at aircon dito. Pero higit sa lahat, mami-miss kita."
Cue: isang patak ng luha mula sa kanang mata ni Eternal Wanderer.
Sinupil kaagad ni Eternal Wanderer ang agos ng mga luha. "Alam mo naman mahal kita, di ba?" Ang tangi na lang nyang nasabi.
"Hindi mo nakailangang sabihin yun," sagot ni Pedro. "Ramdam na ramdam ko iyon sa lahat ng ginawa mo para sa akin."
Bumitaw mula sa pagkayap si Pedro. Ihinarap nya si Eternal Wanderer ng mukha sa mukaha. Dahan-dahang linapit ni Pedro ang kanyang labi sa labi ni Eternal Wanderer. Hinalikan ito ng marahan at punong-puno ng pagmamahal. Walang magawa si Eternal Wanderer kundi bumigay ng husto sa mga galaw ng labi ni Pedro. Halong tamis at kilig ang kanyang naramdaman sa mga sandaling yun. Ang sarap talagang makipaghalikan kapag mahal na mahal mo yun tao!
Ooooops.
Teka.
Rewind lang tayo, mga hijo't hija.
Ilusyonadang froglette si Eternal Wanderer. Walang ganung eksenang naganap. Wish lang nya, right, Ate Vicky? Sa halip na sweet na laplapan ay diretsong chuk-chakan ang nangyari. Napa-concert ng husto si Eternal Wanderer. At dahil full production ito, save the best for last ang kanyang ginawa. Nag-change sya ng costume, inilabas ang cheongsam, at sing to the mic ni Pedro ng "Last Night of the World" mala-Lea Salongang naka-draga.
Ang baklita lang talaga si Eternal Wanderer, ano?
-----
Hinatid ni Eternal Wander si Pedro sa airport kinabukasan. Nagyosi sila sa parking lot bago tumungo sa mismong terminal. Sa harap ng check-in entrance e tanging mahigpit na yakap na lang ang binigay ni Eternal Wanderer kay Pedro. Yinikap din sya ng mahigpit in return. Ang huling image na tumatak sa gunitain ni Eternal Wanderer ay si Pedro na kumakaway sa kanya bago pumasok nang tuluyan sa terminal.
Kung ineexpect ninyong may great dramatic scene ang pagtatapos ng istorya, e sorry, walang ganung nangyari. Kung tutuusin, very anti-climactic ang ending ng pagsasama ni Eternal Wanderer at ni Pedro Penduko. Walang hikbian. Walang lupasayan sa sahig. Walang hagulgulan. Very understated ang lahat. Ganun kasi talaga in real life si Eternal Wanderer. Ayaw nya ng masyadong drama sa buhay. Ang mga ganung scenes e pampelikula lang. They are best left at the movie house where they belong.
Pero aaminin ni Eternal Wanderer na minsan, sa kanyang pag-iisa, sumasagi sa kanyang kathang-isip ang eksenang ito:
Patay na ang mga ilaw ng sinehan. Pati ang pulang kurtina ng screen ay sarado na rin. Ngunit sa gitang bahagi nito, bahagya itong bumubukas. Mula sa madilim na telon, makikitang lumuluwas si Pedro Penduko at si Eternal Wanderer. Sa una ay tila grainy at kulay sepia pa sila, ngunit unti-unti silang nagkaka-anyo't kulay ng ganap na tao.
At maglalakad sila patungo sa kaliwanagan, magkahawak ang kamay, upang ipagpatuloy ang sine ng buhay nila.
Patay na ang mga ilaw ng sinehan. Pati ang pulang kurtina ng screen ay sarado na rin. Ngunit sa gitang bahagi nito, bahagya itong bumubukas. Mula sa madilim na telon, makikitang lumuluwas si Pedro Penduko at si Eternal Wanderer. Sa una ay tila grainy at kulay sepia pa sila, ngunit unti-unti silang nagkaka-anyo't kulay ng ganap na tao.
At maglalakad sila patungo sa kaliwanagan, magkahawak ang kamay, upang ipagpatuloy ang sine ng buhay nila.
Sadness.
ReplyDeleteMugen: ay bakit naman?
ReplyDeleteyou call this light?! ~X(
ReplyDeletepwed ko nang daigin si juday sa kalahating patak ng luhang pinatulo ko...
seriously, though...
*comfort*
Ang ganda ng last scene mo, Ternie. Hay. I hope one day, it will come true =) Maybe it will be will be with a different man. Who knows...
ReplyDeleteKane
..at hindi doon napawi ang nararamdamang kati.
ReplyDeleteabangan ang mga susunod pang kaganapan.
pakisabi kay Pedro, willing akong mag-migrate sa province nya at i-give up ang crown. choz.
Ang nakatakda... Bow
ReplyDeleteSpiral: asus. may crying scene ka pa :P
ReplyDeleteKane: as you said, new office, new pedros :))
Madame Chuni: aw. wherever you go, i shall go ba ang drama? ;))
Ewan: hehehehehe
Ewan:
bff lapit na event ko dapat may escort ka sa viewing ng wedding ni cazin Will
ReplyDeletetapos na ang "Lunok" the series? sad...
ReplyDeleteBff: di ba talaga pwede mag-solo flight sa event? :P
ReplyDeleteDoc Mike: hanuvah. nakakasawa kaya ang lumunok ng lumunok! ;))
Manech: oh, what's with the :( ?
dapat lang meron akong crying scene, no! :3
ReplyDeleteSpril: ay. mahirap ka palang ka-eksena sa pelikula.
ReplyDeletekasi nang-aagaw ka ng eksena! hahahaha
Awww Ternie.
ReplyDeleteScience Teh
may happy ending ka din sa susunod
ReplyDelete=)
Orally: :P
ReplyDeleteRaft3r: yan ang gusto ko sa yo, fafa. very optomistic! :D
teh ternie ano email add mo?
ReplyDeleteEwan: waaaaaaaah irerestrict mo na talaga blog mo? :(
ReplyDeletehappy easter sayo
ReplyDeletekamusta naman ang egg hunting?
hehe
Raft3r: bugok na itlog ang nakuha ko.
ReplyDeletehayz.
HAHAHAHAHAHA