Showing posts with label adonis is hot. Show all posts
Showing posts with label adonis is hot. Show all posts

Thursday, March 26, 2009

Kung Paano Nagkagulo at Nataranta Ang Mga Bakla na Tiga-UP, Ateneo, at DLSU 3

Kung Paano Nagkagulo at Nataranta Ang Mga Bakla na Tiga-UP, Ateneo, at DLSU 2

Makalipas siguro ng 3 oras, e dumating yung mga kaibigan namin na tiga-Ateneo.

ADMU1: (mabilis ang mata. daig pa ang agila) Ay shet! Ang gwapo ng waiter!
EW: Shhhh. Isa ka pang balahura. Parang di ka Atenista.
ADMU1: E ano naman ang kinalaman ng pagiging Atenista ko sa kagwapuhan nya?

Oo nga naman. May point din sya.

Matapos siguro ang isa pang oras, at isa pang round ng kape, e kami na lang ang natira sa restaurant. Lumabas si Adonis, karay-karay ang bill. Ibinigay nya ito sa akin.

Adonis: Sir, pasensya na a. Magsasara na kasi ang cashier.
EW: Ay ganun ba? (tingin sa bill) Kooyah, ang mahal naman ng bill namin. Walang bang discount dyan?
Adonis: Sir naman, mapagbiro kayo a (sabay ngiti).
EW: (smiles back at Adonis, sabay hiss sa mga kasamahan sa table) Hoy kayo, magsipagbayad nga kayo ng kinain nyo. Baka mamaya si Adonis pa ang maghugas ng pinggan nyan ng di oras pag di kayo nagbayad.

Dali dali naman nilabas ng mga bakla ang kanilang mga wallet at nagkaambagan na para sa bill. Pero bago umalis si Adonis, di ko matiis magtanong.

EW: Kooyah, pwede pa pang tumambay dito?
Adonis: Sure, walang problem po sir. Maglilinis pa kami naman sa loob e.
EW: Uy, super thanks talaga a (smile ulit)

So ayun, sa kalagitnaan ng kwentuhan at tawanan ay pinanood namin si Adonis at yung mga kasamahan nyang mag-ayos ng mga kagamitan sa loob ng Via Mare. Pero napatahimik ang mga tao ulit. Pati ako napatahimik.

Sa loob. Si Adonis. Nagtanggal ng polo. Nakasando na lang. At hubog na hubog ang katawan.

Sa sobrang bilis ng pagtahimik namin e narinig na siguro ang mga kuliglig sa Shang Mall (kung meron man). Siguro may ilang segundo ang nakalipas bago may nagsalita. O mas accurately, may tumili.

UP1: Sheeeeeeeeeet! Nakasando syaaaaaa!!! (Hello. Do we state the obvious?)

Hayun. Patay. Para na kaming mga nakawala sa hawla. Puro OMG, shet, at kung ano ano pang explitives at expressions ng kaligayahan bordering on orgasm ang narinig sa amin. Naasiwa na nga si Straight Guy, at muntikan ng mag-walk out sa mga nagkakagulong mga bading. At oo, siguro tumambay pa kami ng 30 more minutes para lang makita ang isang napaka-gwapo at makisig na waiter na nakasando lang na mag-ayos nga mga la mesa at silya sa loob ng Via Mare ng 1 ng umaga. Needless to say, nag-iwan kami ng malaki-laking tip kay Adonis dahil sa kaligayahang naidulot nya.

Na-miss ko na kayo. Kahit hiwa-hiwalay na tayo't iba sa inyo'y nasa ibang bansa na, e natatawa pa rin ako sa ala-alang ito na kung paano nagkagulo at nataranta ang isang grupo ng mga bading na galing UP, Ateneo, at DLSU.

Sa mga natitira pa dito, mag-dinner at kape tayo soon. Balita ko may mga gwapong waiter sa Serendra.

Wahahahahahahahaha.

Tuesday, March 24, 2009

Kung Paano Nagkagulo at Nataranta Ang Mga Bakla na Tiga-UP, Ateneo, at DLSU 2

Kung Paano Nagkagulo at Nataranta Ang Mga Bakla na Tiga-UP, Ateneo, at DLSU 1

Nyeta. Kaya pala tumahimik ang mga bakla. Hindi waiter ang kumukuha ng order namin. Si Adonis pala. Shet, walang stir. ANG GWAPO NYA. Halos kumikintab sa kaputian ang manly at finely chiseled face nya. Siguro, pwera showbiz people, e isa na sya sa pinaka-gwapong pinoy na nakita ko.

EW: Ah...uhmm...eh..isang...ewan ko, ano bang masarap dito? (oo, alam ko, style ko bulok)
Adonis: Sir, try nyo po yung binagoongang baboy. O kaya yung litsong kawali.
EW: Ganun ba? Ah...uhmmm...sige, binagoongan na lang.
Adonis: Drinks, sir?
EW: (ayaw magpahalata kaya minadali na ang sagot) Coke light na lang. Thanks ha (sabay ngiti).

Inikot ni Adonis ang la mesa namin, at kinuha nya ang order ng bawat isa. Mabait at magaling syang waiter. Inaccomodate nya lahat ng mga tanong ng grupo namin tungkol sa mga pagkain, kung ano ang masarap, kung ano ang rinerecommend nya, etc. Ang dapat sigurong 3 minuto na pagkuha ng order e halos inabot na 10 minuto. Papasok na si Adonis sa loob nung biglang kinaway ko sya.

Adonis: Yes, sir?
EW: Kooyah, pahingi namang cold na tubig. At saka ashtray please? (ngiti ulit) Thanks ha (oo, marunong akong magpasalamat sa mga requests ko).

Tuluyan nang pumasok si Adonis sa loob ng restaurant.

UP2: Malandi ka.
UP1: Isa kang pokpok. Mas makati ka pa sa dikya.
Straight Guy: Ay nako EW, napaglumaan na yung style mo.
EW: Anobakayo? Masama bang mag-please, ngumiti, at mag-thank you?

Tinignanan ako ng masama ni UP3 (na may halong panghuhusga at inggit, i'm sure) at napahagikhik na lang si DLSU.

Masarap ang pagkain. Masarap din ang kwentuhan. At masarap din si Adonis. Ngayon ko lang natikman yung puto bumbong ng Via Mare, bibingka, sago't gulaman, at kung ano-ano pang pagkain na inorder namin isa-isa para lang may excuse na pumunta si Adonis sa la mesa namin. Di pa bilang dyan yung mga pa-refill refill ng tubig once in a while. Buti na lang di nya naiisipang iwanan na lang ang pitsel ng tubig sa amin. Pati kape, pinatos na namin doon.

Kung Paano Nagkagulo at Nataranta Ang Mga Bakla na Tiga-UP, Ateneo, at DLSU 3

Monday, March 23, 2009

Kung Paano Nagkagulo at Nataranta Ang Mga Bakla na Tiga-UP, Ateneo, at DLSU 1

Meron akong kabarkada dati na isang grupo ng mga bading na tiga-UP, Ateneo, at DLSU. Actually, different sets of friends ko sila, pero mabuti na lang naipaghalo ko rin sila eventually (menos gastos at oras). Madalas, ang ideya namin ng gimik ay tipong dinner tapos kape kung saan saan. Minsan, kung naayos namin ang aming mga schedules, e nagtatago kami sa Laguna kung saan meron rest house yung kaisa-isang straight guy sa grupo namin (wag nyo nang tanugin kung bakit sya nasama sa amin. Sabihin na lang natin sya yung token na straight stag ng grupo).

Hindi ko alam kung bakit, pero isang gabi napagkasunduan namin na tumambay sa Shang Mall. Kakatapos lang namin ng ensayo, at medyo may kagutuman na ang mga tao. Hindi naman kami pihikan talaga kung saan at ano (at sino) ang kakainin namin, pero ang numero unong requirement e dapat may smoking area. So, sa madaling salita, napadpad kami sa Via Mare, at doon kami naupo sa kinalalagyan ng mga pugon.

UP1: Waiteeeeeeer! Ang menu!!! Gutom na kami.
Eternal Wanderer: Wag ka ngang balahura. Napaghahalataan ang pagiging palengkera mo.
UP1: E ano ngayon? E sa gutom na ako e!

Dali-dali lumabas yung isang waiter at binigyan kami ng menu. May mga ilang minutong nakalipas, at habang tumitingin ako sa mga nakalistang pagkain, e narinig kong may lumapit na waiter. Tumahimik ang mga bakla, pero nakatingin pa rin ako sa menu.

Waiter: Sir, can I take your order?
EW: Sure...can I have (sabay tingin sa waiter)...

Kung Paano Nagkagulo at Nataranta Ang Mga Bakla na Tiga-UP, Ateneo, at DLSU 2