Nyeta. Kaya pala tumahimik ang mga bakla. Hindi waiter ang kumukuha ng order namin. Si Adonis pala. Shet, walang stir. ANG GWAPO NYA. Halos kumikintab sa kaputian ang manly at finely chiseled face nya. Siguro, pwera showbiz people, e isa na sya sa pinaka-gwapong pinoy na nakita ko.
EW: Ah...uhmm...eh..isang...ewan ko, ano bang masarap dito? (oo, alam ko, style ko bulok)
Adonis: Sir, try nyo po yung binagoongang baboy. O kaya yung litsong kawali.
EW: Ganun ba? Ah...uhmmm...sige, binagoongan na lang.
Adonis: Drinks, sir?
EW: (ayaw magpahalata kaya minadali na ang sagot) Coke light na lang. Thanks ha (sabay ngiti).
Inikot ni Adonis ang la mesa namin, at kinuha nya ang order ng bawat isa. Mabait at magaling syang waiter. Inaccomodate nya lahat ng mga tanong ng grupo namin tungkol sa mga pagkain, kung ano ang masarap, kung ano ang rinerecommend nya, etc. Ang dapat sigurong 3 minuto na pagkuha ng order e halos inabot na 10 minuto. Papasok na si Adonis sa loob nung biglang kinaway ko sya.
Adonis: Yes, sir?
EW: Kooyah, pahingi namang cold na tubig. At saka ashtray please? (ngiti ulit) Thanks ha (oo, marunong akong magpasalamat sa mga requests ko).
Tuluyan nang pumasok si Adonis sa loob ng restaurant.
UP2: Malandi ka.
UP1: Isa kang pokpok. Mas makati ka pa sa dikya.
Straight Guy: Ay nako EW, napaglumaan na yung style mo.
EW: Anobakayo? Masama bang mag-please, ngumiti, at mag-thank you?
Tinignanan ako ng masama ni UP3 (na may halong panghuhusga at inggit, i'm sure) at napahagikhik na lang si DLSU.
Masarap ang pagkain. Masarap din ang kwentuhan. At masarap din si Adonis. Ngayon ko lang natikman yung puto bumbong ng Via Mare, bibingka, sago't gulaman, at kung ano-ano pang pagkain na inorder namin isa-isa para lang may excuse na pumunta si Adonis sa la mesa namin. Di pa bilang dyan yung mga pa-refill refill ng tubig once in a while. Buti na lang di nya naiisipang iwanan na lang ang pitsel ng tubig sa amin. Pati kape, pinatos na namin doon.
Kung Paano Nagkagulo at Nataranta Ang Mga Bakla na Tiga-UP, Ateneo, at DLSU 3
Basta nga naman guwapo. Haha. Iniisip ko kung nangyari na sa akin yan.
ReplyDeleteCheap thrills in life, ey?
ReplyDeleteteehee