Natapos ang aming pag-inom ng kape. Nagsindi ako ng sigarilyo. Ganun din si Varsity Boy. May moment of silence. Hindi ko alam kung maitatawag ko yun na awkward silence, pero naisipan ko na ito na ang perfect time na sabihin ko na kung ano ang bumabalabag sa isip ko.
"Veebee...I...I have something to tell you...I hope you..you won't get mad. I'm...sorry talaga."
Kumunot ang noo nya.
"Sorry? Sorry for what?"
"You know...for what happened all those years ago...the..the quad thingie?"
65 million years ang lumipas bago sya mag-react.
Then nakita ko ang kanyang pag-relax. Ngumiti pa.
"Naaah...ano ka ba? It's ok. Jeez, that was like forever ago kaya. We were still kids then. What were we thinking of? What were YOU thinking of?"
Natawa ako. Natawa din sya.
"But for what it was worth, you do know I really, really loved you, right?"
Napa-bugtong hininga si Varsity Boy. May ilang segundong nakalipas bago sumagot.
"Yes... I know. I've always wanted to say thank you for that. I just never got around to say it in front of you. And you know what, I'm sorry, too. I know I could've handled the whole thing in a better way, but like I said, we were kids back then."
Ako naman ang napangiti.
"But we did alright back then, didn't we?"
"Yes, Ternie. We did. We did alright."
Natapos ang mahabang gabing yun sa tawanan at ngintian. Ginunita namin ang nakaraan. Naghagikhikan kami sa ala-ala ng mga stolen kisses sa classroom pag walang nakatingin. Napangiti sya ng husto nung pinaalala ko sa kanya yung aming first date sa McDo, at ako naman ay napahalakhak sa kanyang pag-papaalala nung muntikan na kami mahuli ng aking tatay kasi nakalimutan kong i-lock yung pintuan ng kwarto.
Nagsasara na ang kapihan nung hinatid ko si Varsity Boy sa kanyang kotse. Bago nya buksan ang pinto, humarap sya sa akin at yinakap akong mahigpit. Ang sarap-sarap ng feeling. Napakasaya at napakagaan. Yinakap ko rin sya ng mahigpit in return.
Gusto ko sanang mag-freeze ang time para ma-capture ang pakiramdam ng moment na yun. Sana pwedeng i-slow motion, i-pause, at ulit-ulitin forever. Pero alam naman nating lahat na hindi ito posible. Sa pelikula lang yun nangyayari. Hindi naman ito eksena sa pelikula. e Ang buong gabi ay eksena sa real life - isang eksena ni Eternal Wanderer at Varsity Boy na matagal na dapat naganap.
Nakatayo ako sa kalye habang sinundan ng aking mga mata ang paalis na kotse ni Varsity Boy. Papalayo ng papalayo ito; at sa paghayo ng kotse, tangay nito ang aking ngayo'y mga matatamis na ala-ala ng aking Pers Lab.
-----
Si Maida Chiminiaa ay nakapag-asawa ng isang mang-aawit, at nasa Estados Unidos na sila.
Si Varsity Boy ay kasalukuyang may girlfriend na approve na approve si Eternal Wanderer.
Si Eternal Wanderer naman ay single ngayon at kasalukuyang naghahanap ng booking.
Si Varsity Boy ay kasalukuyang may girlfriend na approve na approve si Eternal Wanderer.
Si Eternal Wanderer naman ay single ngayon at kasalukuyang naghahanap ng booking.
-----
Masarap na masakit isipin ang unang mong minahal. Kahit matagal na panahon na ang nagdaan, sariwa pa rin ang mga nakaukit na gunita sa puso't damdamin.
Kaya sa lahat ng mga nakaka-alala ng kanilang Pers Lab, tara na, magpaka-Joey Albert na nga lang tayo't at mag-videoke nito: