Friday, October 16, 2009

Si Varsity Boy at Ako: Pers Lab 6

Si Varsity Boy at Ako: Pers Lab 5

Kakagaling ko lang sa abroad nung tinext ko si Varsity Boy kung gusto nya mag-kape. Labing-isang taon na rin ang nakalipas simula nung naghiwalay kami. Naka-tatlong gf na yata si Varsity Boy mula kay Maida Chimini-aa. Ako naka... ahmm next topic! Pero pakiramdam ko, naiilang pa rin sya tuwing magkikita kami ng barkada namin. After all this time, napaisip-isip ako na baka kailangan ng some sort of proper closure.

Proper closure daw o.

"Ternie, ur bak!", sagot nya sa text ko.

"Yah. So kofi tayo 2nyt? Wer do u wnt?"

"Cge ba. U want SBC e. rod? Arnd 8:30pm"

"Okies! Cya"

Habang papalapit ang 8:30 ay naghahalong Cabanatuan City at Mariah Scarey ang pakiramdam ko. Ang daming thoughts na umaandar sa utak ko sa oras na iyon. Alam kong nananahimik na ang buhay nya. Eto naman ako, kakalampugin sya. Kailangan ko pa bang guluhin si Varsity Boy dahil sa pag-uungkat ng nakaraan? Baka magalit pa sya sa akin.

Pero hindi. Ako ang hindi matahimik. Siguro para mas sa akin talaga ang pagkikita naming ito. Hindi kasi maganda ang paghihiwalay namin. Kahit sa pangyayari na yun e makapag-apologize man lang ako. Gusto ko rin sabihin na tunay na minahal ko sya. Alam kong suntok sa buwan, pero sana, sana lang marinig ko rin sa kanya na minahal din nya ako.

-----

"Hey Ternie, you're looking good!", ang bati nya sa akin sabay shake hands.

Shet.

E ano na lang ang tawag sa kanya?

Grabe. Ang gwapo pa rin nya after all these years.

Oo, kahit nagkikita naman kami ng madalas, e usually kasama namin ang barkada. Ngayon lang yata kami lumabas na kaming dalawa lang since nagkahiwalay kami. Ngayon ko lang syang napagmasdan ng mabuti na hindi kinakabahan kung may makakapansin ba sa amin. Ngayon ko lang na-realize na nasa harapan ko na ang aking pers lab. At ngayon ko lang napagtanto na ang physical type ko e naka-base pala sa kaya: tisoy, balbunin, at chunky.

"Tara, let's order coffee na.", ang tanging nasabi ko na lang.

"Nah, coffee's on me. Just like the old times.", sabay ngiti.

Ay.

May ganun talaga?

Pwes, ilabas ang Knorr Sinigang Mix with Taro Bits. May asim pa pala si Eternal Wanderer!

Si Varsity Boy at Ako: Pers Lab 7 (Engel, Last na 'To. Promise!)

17 comments:

  1. juice ko.. at nghasik na naman ng lagim ang EW!

    haha.. ganda tlga!

    pero ok din ano kasi you're still in good terms with him.

    ReplyDelete
  2. para kang luma kong pantalon.

    bitin!!!

    ReplyDelete
  3. pa-add sa link ko. I find your entries very amusing - and that's a compliment. :-)

    ReplyDelete
  4. Eye: ay uu naman. lam mo naman ako, mabait :D

    Engel: ah, delayed gratification is such a bitch, no?

    hahahhahaha

    Lurico: hey thanks dude! lemme add you to my links, too.

    i'll follow you na rin, if you don't mind ;)

    do feel free to look around my blog!

    ReplyDelete
  5. haay kaw talaga. hmp ang galing mambitin. tse :P

    ReplyDelete
  6. May asim? Parang kang kamatis. LOL! Fine, pareho tayong mahahaba ang buhok... tara, magpaparlor na tayo? Nagkaka-split ends na e.

    ReplyDelete
  7. Xtian: ay naman! mas masarap ang biibitin, di ba? ;)

    Bon: ay go. mura lang sa ricky reyes. afford natin doon! hahahaha

    ReplyDelete
  8. hi, I actually added you in my blog roll..I like your blog, especially the "pers lab" sequel.. more! :D

    ReplyDelete
  9. hahaha, ayan na naman ang mga terms, cabanatuan city and knorr sinigang mix with taro bits, laftrip!

    ReplyDelete
  10. Noah: aw. thanks thanks at nag-eenjoy ka sa blog ko! :D

    Max: lucretia kasilag ka ba sa terms? hahahaha

    ReplyDelete
  11. waw! closure after eleven years.. bago yun ah hahahaha

    tinalo mo pa si Maruja.. parang multo lang ng nakaraan.

    ReplyDelete
  12. Instead of measuring it in years.. dapat number of talande.. But that might amount to a googol knowing you. Hihihi!

    Mwah

    ReplyDelete
  13. Lukayo: oh please. i don't even have a fraction of what you've had so far hahahahhaha

    ReplyDelete
  14. off topic: may doctor ba para sa hickey? 3 kasi sila sa leeg

    ReplyDelete
  15. Dabo: uy, baka na-offened ka sa hirit ko. sowee :(

    gamit ka na lang na concealer tapos i-powder down mo para di dumikit sa kwelyo

    - EW, Ricky Reyes make-up artiste extraordinaire lolz

    ReplyDelete
  16. hindi ako na-offend ano ka ba, i forgot to add ung smiley dun sa sagot ko sa comment mo.. promise.

    cheers!

    ReplyDelete