Saturday, January 20, 2018

Isang Tagpo ng Pag-Uulit

“Puta naman, ano ba! 'Di sinabi ko nang hindi pwede? Alam mo namang may asawa na ako.”

Nagulat ako dahil bigla na lang siyang tumawag habang nagmamaneho ako pauwi ng bahay. Matagal na kasi ang nakalipas nang wala man lang ni ha o ni ho akong narinig sa kanya. Hindi ko rin naman sya masisisi. 

Aaminin ko ang aking malaking kasalanan. 

May babaeng na-involved, at halos tatlong taon ko rin silang pinagsabay nang patago. 

Nung huli naming pagkikita, doon ko sinabi na iiwanan ko na sya para pakasalan ang girlfriend ko. Gusto ko nang mag-bagong buhay, at willing akong tapusin at itatapon ang lahat na nagyari sa amin  kapilit ng kasal. 

Malamang sa malamang, masalimuot ang eksenang nangyari pagkatapos ko itong sabihin. May mga sigawan at pagmumurahan na naganap. Umabot pa nga sa puntong tinulak ko sya papalayo habang umiiyak sya't niyayakap akong mahihigpit.

Ang gago ko lang talaga. 

Pero kahit tinarantado ko sya noon, heto na naman sya’t nagyayaya na magkita kami. 

Malikot na umaandar ang aking utak habang kausap ko sya sa telepono. Ayoko na talaga. May asawa’t dalawang anak na ako. Tahimik at mapayapa na ang buhay ko ngayong pamilya ko na ang aking kinaabalahan. Tinalikuran ko na ang aking nakaraan, at wala na akong balak balikan pa ang nilihim kong mundo. 

“Sige na, please. One more time. Last na, promise” nagsusumamo ang tinig niya sa telepono.“For old time’s sake. Please?”

 -----

Medyo madlim pa rin ang silid ng motel. Tulad ng dati, yung pulang lampara lang sa sulok ang tanging ilaw na nakubaks. Nagsindi ako ng yosi at dahan-dahan kong binuga ang usok. May kalamigan na ang aircon, kaya nagtaklob ako nung manipis na kumot na nahulog sa sahig. 

Tulog pa rin siya sa tabi ko. Humihilik pa nga nang bahagya. Dahan-dahan kong hinaplos ang kanyang mukhang nahihimbing yata sa panaginip. Kahit na matagal na kaming hindi nagkita, ganun na ganun pa rin itsura nya. Ang bawat hugis ng gwapong mukha’t makisig na katawan ay hindi nagbago. Inisip ko, ako kaya, nagbago sa paningin niya? 

Napabuntong hininga ako.

Hindi. 

Hindi pa rin ako pala ako nagbago. Nalilibugan pa rin ako sa kanya. Sa bawat ulos at pagbayo ay nasarapan ako pa rin ako. Sa bawat malalakas at maaanghang na ungol na binitiwan namin ay nagpakasasa ako. At nang sabay kami nilabasan, napagtanto ko na hindi ko pa rin talaga maipapawi ang bakas ng nakaraan. 

Tanginang buhay na ito. Bakit kailangang maging komplikado?



Pasakalye: 

Hango ito sa totong buhay ni Ternie. 

Charot lang, mag bekz! 

Ganap na bakla pa rin si Ternie, at wala siyang balak mambebot ng merlat. Eeeeew lang ano! lololololol

Ito ay bunga ng ovulating fertile imagination ni Ternie para sa #OneMoreTime entry ng mga dating bloggers na ngayon ay nasa Twitter na.

11 comments: