Nang Kumerembang si Eternal Wanderer sa Opisina 3
"''Pre, magre-resign na ako sa trabaho. Uuwi na ako sa probinsya. Hindi ko na kaya dito sa Maynila. At saka, miss ko na rin anak ko," sabi ni Pedro Penduko kay Eternal Wanderer habang nagyoyosi sila sa labas ng building.
May ilang buwan na rin ang nakalipas simula nung nakilala ni Eternal Wanderer si Pedro Penduko. Ang pinagsimulan ng paghingi ng yosi ay umusbong sa pagiging magkaibigan. Madalas sila magsama pag-break time, nagkwekwentutan nagkwekwentuhan habang naninigarilyo. Minsan, sabay sila mag-lunch. Pero sa totoo lang, deliberately ginagawa ni Eternal Wanderer na mag-coincide ang lunches nila. Kiver sa schedule adherance. Kaya hayun, dumating ang panahon na nagkataon sila lang dalawa ang kumain sa pantry. Kilig naman si Eternal Wanderer. Date kung date ang pakiramdam nya.