Monday, November 15, 2010

Nang Kumerembang si Eternal Wanderer sa Opisina 4: Si Pedro Penduko at si Imelda Marcos

Nang Kumerembang si Eternal Wanderer sa Opisina 3

"''Pre, magre-resign na ako sa trabaho.  Uuwi na ako sa probinsya. Hindi ko na kaya dito sa Maynila. At saka, miss ko na rin anak ko," sabi ni Pedro Penduko kay Eternal Wanderer habang nagyoyosi sila sa labas ng building.

May ilang buwan na rin ang nakalipas simula nung nakilala ni Eternal Wanderer si Pedro Penduko. Ang pinagsimulan ng paghingi ng yosi ay umusbong sa pagiging magkaibigan. Madalas sila magsama pag-break time, nagkwekwentutan nagkwekwentuhan habang naninigarilyo. Minsan, sabay sila mag-lunch. Pero sa totoo lang, deliberately ginagawa ni Eternal Wanderer na mag-coincide ang lunches nila. Kiver sa schedule adherance. Kaya hayun, dumating ang panahon na nagkataon sila lang dalawa ang kumain sa pantry.  Kilig naman si Eternal Wanderer. Date kung date ang pakiramdam nya.

Gay Greek Chorus: Ilusyonadang baddeeeeeeeeeeette!

Makulet at makwento si mokong. Mabait at bibo rin. Everytime na sadyang napapadpad si Eternal Wanderer sa aisle nila Pedro Penduko, may ready tungo si ungok with matching smile and kindat.  Hello, sino ba naman ang 'di kikiligin sa ganon, 'di ba Madame Chuni? Pero pakipot si Eternal Wanderer. Tutungo lang ito in curt acknowledgement.

Greek Gay Chorus: Impeyrniz, dude to dude ang drama ni Eternal Wanderer. Echuzerang froglette kaaaaa!!!

Pero hindi na raw masaya si Pedro Penduko sa work. Umaasa na nga kasi ang pamilya nya sa kanya, tapos may anak pa syang inaalala. Kulang na kulang ang sahod nya. Madalas nga, e once a day na lang sya kumakain mapadala lang nya sa probinsya ang pera para sa kanyang pamilya't anak.  Nasasayangan nga raw sya sa P700 na binabayad sa bedspace. Kung pwede lang daw sya matulog sa sleeping quarters ng opisina e gagawin nya yun para lalong makatipid.

Napatahimik tuloy si Eternal Wanderer.

Esep, esep.

"Alam mo, Pedro, tutal magre-resign ka na nga lang, e tumuloy ka na lang muna sa amin para di ka na mag-renta"

"Di nga? Ayoko naman. Nakakhiya."

"Ok lang yun. Sino ba naman ang magtutulungan kundi tayo-tayo din?"

PAK!

At sa pagkakataon na yon, na-feel ni Eternal Wanderer na sya ay naging isang ganap na:

 Imelda Romualdez Marcos, patroness of the needy.

Nakakalurkey lang naman ag pinag-gagagawa ni Eternal Wanderer sa ngalan ng kerembang, dabah???

Nang Kumerembang si Eternal Wanderer sa Opisina 5

23 comments:

  1. ahahaha! kung maka-aura ka naman eh to the highest level na!

    ReplyDelete
  2. hahahaha! pa-mhin at landi much> hahaha!

    winnur!

    ReplyDelete
  3. uhm, excuse me - you were saying something about me being alembong and haliparot?!

    wahaha

    ReplyDelete
  4. Doc Mike: ay di naman. ikaw pa rin an reyna ng uma-aura sa opisina! ahahahaha

    Nimmy: tumPAK ka dyan! lolz

    Iuri: hellow. alam naman ng buong muna na alembong at harot ka noh!!! weeeeeeee

    Marhk: ahihihihi ;)

    salamat sa pagdaan at pag-iwan ng comment! don't be a stranger :D

    ps. nice the pics of your trips!

    ReplyDelete
  5. kalowka! pareho nga kayo ni madam chuni na patroness of the needy.
    kung si msChuni ay kabuhayan showcase sa menor-de-edad ikaw naman ay habitat for humanity, ok lumayo pako Gawad Kalinga na lang

    ReplyDelete
  6. Oral: amf! napahalakhak ako sa gawad kilinga!!! AHAHAHAHAHA

    ruddie: interesting is understating it.

    ReplyDelete
  7. kerek! hindi lang sha interesting mars... pang sports pa! kabogin daw ba ang alkohol neh? hehehe...

    hmmm... what got me curious is ang pez ni BFF.

    ReplyDelete
  8. Style mo.

    Ang dalisay lang ng iyong hangarin.

    Pero ako'y uma-agree. Tama lang na tipirin nya ang 700 at tanggapin ang iyong alok.

    Sana naman ay pumayag sya.

    Pag nagkataon... happy fiesta!!!

    ReplyDelete
  9. @Orally.... mapag-kalinga lang kami noh.

    Si Ternie si Rosa Rosal, ako naman s Vicky Morales! Hahaha!

    ReplyDelete
  10. Hondagurhl: maniwala ka man o sa hindi, sya ay MORE than interesting hihihi

    Madame Chuni: ay sobra talaga sa pagkadalisay, busilak, at mayumi ang hangarin ko sa alok na yon.

    ECHOZZZZZ ahahahahaha

    p.s. lokah, ako si bernadette sembrano kaya! lolz

    ReplyDelete
  11. Hoy masyadong watered down ang iyong kuwento! Spluk all the details!













    If heart begins to crumble
    the blog listens.

    ReplyDelete
  12. Mugen: shhh ayaw ko emo. enjoy lang ng enjoy :P

    ReplyDelete
  13. I love, Ternie. Live-in agad?

    Alam ba ni Pedro na may mga plano ka para sa kanya????? Beware the lioness' den.

    Tabi kayo? =)

    Kane

    ReplyDelete
  14. Symbiotic relationship: mutualism.

    Both parties benefit.

    But the real question is: what? ;)

    Till then, keep us hanging by the edge of our seats.

    ReplyDelete
  15. wala akong nakikitang masama sa pagtuloy niya sa inyo. wala talaga. lol

    bawal magtabi, pero share ng kumot.

    ReplyDelete
  16. Kane: what do you think of me, the live-in type kaagad???

    but to answer you, yes, live in kaagad!

    AHAHAHAHAHAHA

    Guy: awtz@mutualism :P

    ReplyDelete
  17. Alter: aw. share ng kumot? ba't di ko naisip yon?

    wahahahahaha

    ReplyDelete
  18. OMG! isa kang HIGAD!

    ahaha at dalisay naman kaya and busilak ang iyong hangarin??

    bwahhahaha..I'm sure susunod nyan ssbihin mo, wag kna umalis, tutulungan na lang kita sa mga ipadadala mo s apamilya mo buwan buwan...


    kapalit nag puri mo!

    choz!!!

    ReplyDelete
  19. Soltero: jusme. ako na naman ang higad.

    ako na lang at ako na alng palai.

    hayz.

    LOLZ

    ReplyDelete
  20. nyahaha
    matalungin ka pala
    tulungan mo din ako
    hehe

    ReplyDelete