Tuesday, October 20, 2009

Si Varsity Boy at Ako: Pers Lab 7 (Engel, Last na 'To. Promise!)

Si Varsity Boy at Ako: Pers Lab 6

Natapos ang aming pag-inom ng kape. Nagsindi ako ng sigarilyo. Ganun din si Varsity Boy. May moment of silence. Hindi ko alam kung maitatawag ko yun na awkward silence, pero naisipan ko na ito na ang perfect time na sabihin ko na kung ano ang bumabalabag sa isip ko.

"Veebee...I...I have something to tell you...I hope you..you won't get mad. I'm...sorry talaga."

Kumunot ang noo nya.

"Sorry? Sorry for what?"

"You know...for what happened all those years ago...the..the quad thingie?"

65 million years ang lumipas bago sya mag-react.

Then nakita ko ang kanyang pag-relax. Ngumiti pa.

"Naaah...ano ka ba? It's ok. Jeez, that was like forever ago kaya. We were still kids then. What were we thinking of? What were YOU thinking of?"

Natawa ako. Natawa din sya.

"But for what it was worth, you do know I really, really loved you, right?"

Napa-bugtong hininga si Varsity Boy. May ilang segundong nakalipas bago sumagot.

"Yes... I know. I've always wanted to say thank you for that. I just never got around to say it in front of you. And you know what, I'm sorry, too. I know I could've handled the whole thing in a better way, but like I said, we were kids back then."

Ako naman ang napangiti.

"But we did alright back then, didn't we?"

"Yes, Ternie. We did. We did alright."

Natapos ang mahabang gabing yun sa tawanan at ngintian. Ginunita namin ang nakaraan. Naghagikhikan kami sa ala-ala ng mga stolen kisses sa classroom pag walang nakatingin. Napangiti sya ng husto nung pinaalala ko sa kanya yung aming first date sa McDo, at ako naman ay napahalakhak sa kanyang pag-papaalala nung muntikan na kami mahuli ng aking tatay kasi nakalimutan kong i-lock yung pintuan ng kwarto.

Nagsasara na ang kapihan nung hinatid ko si Varsity Boy sa kanyang kotse. Bago nya buksan ang pinto, humarap sya sa akin at yinakap akong mahigpit. Ang sarap-sarap ng feeling. Napakasaya at napakagaan. Yinakap ko rin sya ng mahigpit in return.

Gusto ko sanang mag-freeze ang time para ma-capture ang pakiramdam ng moment na yun. Sana pwedeng i-slow motion, i-pause, at ulit-ulitin forever. Pero alam naman nating lahat na hindi ito posible. Sa pelikula lang yun nangyayari. Hindi naman ito eksena sa pelikula. e Ang buong gabi ay eksena sa real life - isang eksena ni Eternal Wanderer at Varsity Boy na matagal na dapat naganap.

Nakatayo ako sa kalye habang sinundan ng aking mga mata ang paalis na kotse ni Varsity Boy. Papalayo ng papalayo ito; at sa paghayo ng kotse, tangay nito ang aking ngayo'y mga matatamis na ala-ala ng aking Pers Lab.

-----

Si Maida Chiminiaa ay nakapag-asawa ng isang mang-aawit, at nasa Estados Unidos na sila.

Si Varsity Boy ay kasalukuyang may girlfriend na approve na approve si Eternal Wanderer.

Si Eternal Wanderer naman ay single ngayon at kasalukuyang naghahanap ng booking.
-----

Masarap na masakit isipin ang unang mong minahal. Kahit matagal na panahon na ang nagdaan, sariwa pa rin ang mga nakaukit na gunita sa puso't damdamin.

Kaya sa lahat ng mga nakaka-alala ng kanilang Pers Lab, tara na, magpaka-Joey Albert na nga lang tayo't at mag-videoke nito:


16 comments:

  1. kailangan may special mention ako sa title talaga =D

    medyo nakarelate ako dun ah, specially the last part. although walang nangyari between joy and me, pag binabalikan namin yung ginawa ko, ganun din reaction niya.

    hurray for closure!

    ReplyDelete
  2. first love never dies talaga. hehehe.

    pero atleast you were able to come out of it as friends after all these years.

    ReplyDelete
  3. this is so sweet. ang sarap basahin nakakakilig na medyo bitter sweet pero napaka hopeful kasi nga medyo nakakahinayang.

    ReplyDelete
  4. Awwwhhhh... and that's all I can say! LOL! It's great though when lovers end up as friends. As much as many of us pine for friends to become lovers, the other way is quite a good thing too. You've found someone you can be more than comfortable with, and the love you had was never lost... ang sarap balikan. Hyuk!

    ReplyDelete
  5. talagang kailangan may ENGEL!?!?!
    hmmmmmmmmmm...

    sobrang beki nyo ni Varsity Boy,
    talo ang eksena sa Markova.. :p

    *hugs* ayan so malaya na si birdie este si EW kay Varsity Boy. Sa hinabahaba ng prusisyon, Bading din ang karelasyon este sa closure din ang punta!

    YabU!! mwah!

    ReplyDelete
  6. Engel: naman! e kaw kaya yung unang nagrereklamo na bitin palagi ang varsity boy kwentos hahahahha

    Max: uu :D in fairness gusto ko yung gf nya ngayon ;)

    Dabo: naku walang hina-hinayang. enjoy naman yung times na yun e ;)

    p.s. musta yung pasa? hihihihi

    Bon: you should know how it is to be friends with your 1st lurve hihihi

    Anon: tseeeeh kaaaa hahahahha yabyu too!

    ReplyDelete
  7. bitin 'til the end. ewan. lol. ayan may closure na pala kayo.

    ReplyDelete
  8. sana linugay mo ang hair mo nung bagyong ondoy at peping, para nalusaw na lang yung dalawang bagyo. hahaha!

    but seriously, nakakakilig!

    ReplyDelete
  9. Xtian: hindi naman bitin a! :P

    Commuter: naku, e di nadelubyo rin yung aking long flaxen hair (ika nga ni Rude) hahahahaha

    ReplyDelete
  10. sweet naman. kilig. hehe..

    from lovers to friends.

    ReplyDelete
  11. awwwwwww, I wish mine ended that well. hehehe. Kinilig naman ako dito. hehehe.

    ReplyDelete
  12. Eye: ahihihihihi

    Lurico: am a friendly person naman e. or at least i try to be. operative word is try lolz

    ReplyDelete
  13. hmp. feeling ko mayroon kang tinatago sa story mo na dapat mo ireveal. hehe ako lang siguro to

    ReplyDelete
  14. Si Eternal Wanderer naman ay single ngayon at kasalukuyang naghahanap ng booking. - winner!

    Ewan ko, pero naalala ko yung last scene sa Pagdadalaga ni Maximo Oliveros. With the morning sunlight and all, while he's on his way to school, deadma si Victor. Hayst...

    ReplyDelete
  15. Doy: ay uu, naalala ko yung eksenang yun. very poignant ;)

    ReplyDelete