Saturday, October 10, 2009

Si Varsity Boy at Ako: Pers Lab 5

Si Varsity Boy at Ako: Pers Lab 4

Halos buong 3rd year at 4th year kami naging mag-jowa ni Varsity Boy. Sa kanya kong unang naranasan mabigyan ng bouquet of roses on my birthday. Sa kanya ko rin naranasan makatanggap ng mga love letters na may kasamang chocolate at stuffed toys. Sa kanya ko rin naranasan ang makipag-date kung saan-saan. Meron sa restaurant, meron sa ridge sa school namin overlooking Marikina Valley, meron sa sinehan. At sa kanya ko rin maranasan makipagmake-out at kung anu-ano pa sa sinehan din.

Exciting pala yun ahihihihi

Pero hindi lahat ng faggy fairytales e nagtatapos sa happily ever after, the end. 1st year college na kami nun. Pumasa ako sa tanging dalawang paaralan na pinagkuhanan ko ng college entrance exam. Pero pinili ko pumunta sa paaralan kung saan nandoon yung mga straight na barkada ko. It just so happened na kasama si Varsity Boy sa barkada kong yun hehehe

"Ternie, we have to talk.", sabi nya sa akin.

Sa puntong yun, nararamdaman ko na medyo ilap na sya sa akin. Hindi na sya masyadong tumatawag sa telepono. Hindi na rin kami masyadong nagde-date. Wala na rin ang flowers, stuffed toys, at chocolate.

Kung ano-ano ang excuses nya. Kesyo may quiz o long test. Kesyo may paper silang kailangan i-pass. Kesyo may lakad sila ng pamilya. Kesyo ganito, kesyo ganyan.

"You'reseeingsomeoneelseano?Howcouldyoudothistome?!Howdareyou!HOWDAREYOU!!
Tellme,whoisit?!!!WHOISIT?!!!!", ang dire-diretso at halos pasigaw kong sabi.

Aba, kulang na lang mag-eskandalo ako. Hindi ko yata idol si Jacklyn Jose. Mashadong deadma ang emote, mashadong under-acting. Gusto ko hysterical. Gusto ko with emapathic and flaying arms. Gusto ko may mahabang monologue with matching hagulgol at ngawa. Kaya ayun, nag-mistulang Maricel Soriano ako sa gitna ng school quadrangle namin.

Natameme si Varsity Boy sa award-winning moment ko. Di yata nakayanan ng powers nya. Ang tanging nasambit nya ay isang tahimik na "I'm sorry...I'm kinda seeing this girl. Si...si Maida Chimini-aa. You know her, right?"

Ay punyeta. Know her? Of all the people, si Maida Chimini-aa pa! Of course kilala ko sya! E paano ko ba naman di makikila yun e kung magbihis, mas matino pa ang kasambahay namin. Pero kung bumalandra sa corridors at sa quadrangle e akala mo nanalo ng Ms. Purok Beyntesiko-International. Pwede baaaaa?!

Fine, mean na kung mean, pero nung first week of classes namin, di ko talaga matiis taasan ang boses ko nung dumaan sya sa harap ko habang tumatambay ako sa isang corridor.

"Ay, how rich naman the amo of this girl! Dito pa in our school pinapaaral o."

Ang bad, bad talaga ni Lindsay Lohan aka Maricel Soriano aka the Diamond Star. Kaya ayun na-Luz Valdez sya. Kinarmi Martin ng husto. Napunta ang kanyang Varsity Boy sa piling ng nilait nyang si Maida Chimini-aa. Come to think of it, ano ba naman ilalaban nya sa flower ni Maida Chimini-aa? E straight from Dangwa pa ito.

Ichura ni Maida Chinini-aa. Tseeeeh!

Si Varsity Boy at Ako: Pers Lab 6

13 comments:

  1. Winnie Valdez si Maida Chimini-aa. EW, you're such a LOSER!

    LOLs

    WV: vanderse uhm, is this channeling vand....?

    ReplyDelete
  2. hahaha..

    aliw!

    ang ganda mo siguro EW high school pa lang me jowa na! picture naman.. haha..

    ReplyDelete
  3. huling beses ko ata narinig or nabasa yung salitang chimini aa nasa grade school pako.

    sayang naman love story niyo. oh well, you probably deserved better. =)

    ReplyDelete
  4. hahahaha! hala nakakaawa ka naman, sa quad ka pa talaga nag-moment

    ReplyDelete
  5. HB: to quote spice, "Tinik ka sa dibdib ko!!!"

    hahahaha

    Eye: care to c2c?

    ay. ang lande ko.

    lolz

    Engel: Nooooo, I want Varsity Boy!!! <<< bratinella mode. again.

    weeeeeee

    Argunn: shhhh. secret lang natin yun.

    ooops, di nga pala pwede kasi sa quad yun.

    harhar

    thanks for reading my post :) please, by all means, feel free to take a look-see around my blog :D

    ReplyDelete
  6. bata pa ako nung last ko marinig yung term na chiminiaa, hahaha.

    ReplyDelete
  7. haha kulang na lang kumain ng putik sa kadramahan. ganda ng taste ni varsiry boy sa boys pero sa girls questionable yata.

    ReplyDelete
  8. Xtian: apir! hahahahaha

    though in fairness, likey ko yung gf nya ngayon ;)

    ReplyDelete
  9. well at least nagbago na taste niya. aba at may update ka pa din talaga sa buhay niya. pers lab never dies ba ang drama.

    ReplyDelete
  10. Laugh trip 'tong blog mo, I swear. Sumakit tiyan ko sa katatawa. Haha.

    ReplyDelete
  11. Doy: weeeeee! :D salamat nag-enjoy kang basahin 'tong series na to hehehehe

    ReplyDelete