Kung ako ang tutanungin nyo, siguro ang pinaka masayang period ng buhay ko e yung nag-repeat ako nung high school. Ironic ba? Hindi naman. May pagka-gago kasi ako nung early years ko sa high school. So hayun, nadale ako nung 3rd year. Buti nga pinayagan pa ako ni Father Principal at ng Assistant Principal for Academic Affairs na mag-repeat e. In retrospect, maraming kabutihang naidulot sa akin yung pagbagsak ko. Natuto akong magseryoso sa academics. Natuto rin akong mag-adjust at makisocialize sa mga kaklase ko. At higit sa lahat, natutong tumibok ng tunay ang puso ko.
Ano kamo?
Oo. Dahil nung nag-repeat ako, doon ko nakilala si Varsity Boy.
Nung sumemplang nga ako, sumemplang na rin sa buhay ko si Cris Villanueva. At saka wala yun. Bata pa si Sabel nung mga panahong iyon, kaya matatawag na puppy love lang yung nangyari sa amin noon. Pero sa totoo lang a, tense na tense ako nung unang araw ng pagpasok ko sa school. Bagong class na nga, bagong batch pa. Pag pasok ko sa class room, ang pakiramdam ko lahat ng mata nakatutok sa akin. Pero kahit muntikan na akong himatayin ako sa anxiety attack, e palagay nyo ba di ko mapapairal ang likas na kalandian ko?
Hello. Ako pa.
So kahit na kumakabog ang dibdib ko sa kaba't tension, ang mga mata ko'y dali-daling nag-reconnaisance. Laban kung laban, fight kung fight.
Hmmmm...
Isa.
Dalawa. Tatlo.
Apat. Lima. Anim...
Ay, diosmioportodoslossantosdelas-ai-ai-delasalas! May karamihan ang cutiness at yumminess dito! So instead na madismaya ako sa fact na ito yung first day ng repeated na school year ko, e kulang na lang maghanap ako ng swimming pool na puno ng Caladryl. Pero baka di pa rin kayanin. Kasi ang pakiramdam ko, binalot ako sa gabi leaves na punong-puno ng higad at dikya sa mga sandaling yun.
Si Varsity Boy at Ako: Pers Lab 2
hahaha..
ReplyDeleteang landi!
bata pa ang landi landi na.
funny.
hahaha. marami na naman akong natutunan na abgong words.
ReplyDeletepers lab neber days ba ito? hehehe.
teka, san ka nag-aral? bakit hindi ganun samin kahit na all boys ang eskwelahan ko?
ReplyDeleteEye: ahahahahahah
ReplyDeleteMax: uu, pers lab kung pers lab ;)
Engel: ay, dyan lang po ako nag-aral sa tabi-tabi ahihihihi