Wednesday, September 16, 2009

Sala sa Init, Sala sa Ulan

Nung isang linggo, si Eternal Wanderer ay nagrereklamo sa panahon. Nababaliw na daw sya dahil ulan ng ulan. Mahirap na raw mabasa. Baka dumami pa. Nakakatakot yung thought!

Ngayong nakaraang araw, maaliwas naman. Tirik na tirik ang araw.

At heto na naman si Eternal Wanderer, nagrereklamo. Mainit daw. Naiirita syang lumabas dahil nanglalagkit daw sya sa pawis.

Hay naku, Eternal Wanderer, para kang bakla! Di makapakali sa isang desisyon. Napakareklamador!

Ano ba talaga ang gusto mo, maulan na panahon or maaliwas na araw?

Ay ewan ko sa yo. Sasayaw na nga lang ako!

- Azenith Briones


4 comments:

  1. nako ganun talaga. extreme din naman kase ng weather dito sa atin.

    ReplyDelete
  2. mas gusto ko ang ganitong panahon. ok lang yan, ber month nanaman. medyo nararamdaman ko na yung malamig na klima. konting hintay na lang.

    ReplyDelete
  3. Kaninang umaga, tirik na tirik ang araw. Halos malusaw ako sa 'king merkana (may client presentation kasi, kaya japorms.)

    Tapos nung bandang hapon, umulan naman ng kay lakas-lakas.

    Ngayon, maalinsangan na naman.

    Nubayan.

    ReplyDelete
  4. xtian: sinabi mo pa!

    engel: the best pag dec-feb. hindi maulan, pero definitely hindi mainit! :D

    rude: naks japorms! hehehehe

    ReplyDelete