Alam kong mababasa mo itong aking isususlat, kaya't hayaan mong ilahad ko kung ano aking nararamdaman sa saglit na ito.
Hindi ko maintindihan bakit mo piniling paniwalaan ang mga ibang tao kaysa sa akin. At lubusang hindi ko rin maintindihan bakit mo pinipiling putulin ako sa bahay mo ng ganito. Ni ha, ni ho, walang kang sinagot sa aking mga tawag, texts, at mga ym. Kung ano man ang meron tayo, hindi mo ba ito kayang ipaglaban? Sa ganito bang paraan magwawakas ang ating kabanata?
Oo, masama ang loob ko dahil ayaw mong makipag-usap sa akin nang matino. Hindi ako sanay sa ganito . Pinalaki ako ng aking mga magulang na makipagtustusan ng matiwasay at makipag-usap ng mahinahon. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit mayroong mga taong ayaw makipag-ayusan sa ganitong pamamaraan. Hindi na tayo bata para magkasumbatan ng mga maanghang na salita at manadya ng mga masasakit ng gawain upang makahanap ng lunas sa ganitong mga pangyayari.
Sa mga sandaling ito, galit at poot ang nananig sa aking kalooban. Galit ako sa sarili ko dahil binuksan ko muli ang aking sarili sa iyo't ipinasang-tabi ang mga babala sa akin. Galit ako sa sarili ko dahil nagpakatanga ako't pinaniwalaan ang iyong mga binitiwang salita ng pagmamahal. Galit ako sa sarili ko dahil nagpakasasa ako sa mga damdaming matagal ko ng tinago't sinupil. At higit sa lahat, galit ako sa sarili ko dahil hinayaan kong umiral ang puso't damdamin bago ang utak. Ito ang pinakamalaking kasalanan ko sa aking sarili, at ngayon, binagbabayaran ko ito.
Hindi ko na alam kung ano ang mangayayri sa atin. Ito na ba ang katapusan ng maikling kwento natin, o mayroon pa bang kataga ito? Ito lang ang alam ko: minahal kita, at minahal kita ng hitik sa lubos at pagkatotoo. Hindi bahay-bahayan, hindi panandaliang aliw, hindi isang laro ang ginawa ko sa iyo. At kung may mabuting kinalabasan ang lahat nang mga pangyayari, malamang ay ito na 'yon: na naging tunay ako sa iyo, at sa muling pagtingin, ay naging tunay din ako sa sarili ko.

Totoo ngang magkadugtong ang ating kuwento... ((hugs)) parekoy. Nawa'y mahanap mo ang resolution sa conflict ng iyong kuwento.
ReplyDeleteMaraming salamat Mugen. Oo, nahanap ko na ang kapayapaan sa akiing diwa. Mabuti na lang hindi na ganun kadugo tulad ng mga nakaraan. Ganun pala yun. Habang dumadami ang mga ganitong pangyayari, mas bumibilis ang pag-hilom.
ReplyDeletePero pwamis. Dinudugo ako ngayon, hindi dahil sa sakit ng kalooban, kundi sa pagsusulat sa Filipino.
Hahahahahaha I swear writing and reading Filipino is my waterloo. I'm having a hard time reading my own post.
deary... u and me both. tagalog can certainly KILL! :) if not, just cause minor anemia!!! :)
ReplyDeleteeffort to ha!! EEEEFFFORT!! :)
Live Long and Prosper
ReplyDeleteHahahahahhahaha Jaime!
ReplyDeleteI'm not that happy with my post. It mixes both the formal and colloquial tones, sonetimes within a paragraph itself (which I feel is a big no-no because it's disconcerting to read).
However, it was written in the heat of despair, and I feel that I have no right not to put into words those tormentous moments.
To freeze it for all eternity, and for me LMAO when I read it in the future lolz.
true. walang hiya! ni nosebleed ang lola mo dito!
ReplyDeletei hope everything willpull through in the long run. hay..natatakot din ako sa mga ganyan. pramis. kaloka
*BIG BEARHUG*