Friday, December 18, 2009

Paskong Walang Hanggang

Tinanong mo sa akin kung ano ang gusto ko
upang mapaligaya ang aking Pasko.
Bakit mo pa kaya kailangan sabihin sa akin 'yan,
para naman kasi hindi mo pa alam.

Ang aking araw-araw ay iyo ng iniba
mula pa nung ikaw ay aking nakilala.
Pinasayaw ang ikot ng aking munting mundo,
binigyan ng dahilan ang bawat oras at minuto.


Ang bawat kong pangarap 'yong pinalitan,
binigyan ako ng lakas, tiyaga, at tapang
na harapin ang bawat tanong at pag-aalinlangan
dahil alam kong ikaw ay katabi ko lamang.

At tuwing pagsikat at paglubog ng araw
nagsisimula at nagwawakas sa salitang "ikaw."
Kaya 'wag mo nang itanong kung ano pa sa akin ang kulang
dahil bawat araw na kasama ka ay Paskong walang hanggang.



-----
para sa 'yo.

12 comments:

  1. Engel: ang ganda kaya ng lyrics and melody!

    ReplyDelete
  2. masarap nga siyang pakinggan, kaibigan

    ReplyDelete
  3. and the kitty kamots eternal wanderer... meow!!! hahaha :)

    ReplyDelete
  4. This made me realize it will be a cold Christmas. :(

    ReplyDelete
  5. aaaaaaaaaaaay i found my christmas song for him.....

    thanks Ternie... pashare ha hihihihihi send ko sa kanya... muahz....

    ReplyDelete
  6. Anteros: dabah?

    Ash: tseh kaaaaaa!!!

    Xtian: isa ka paaaa!!!

    Jay Pee: aw. sus, then make your christmas warm yourself ;)

    thanks for leaving a comment and following me, btw!

    do feel free to look around my blog. hope you enjy reading the stuff i've posted here :D

    Yj: go lang zeez! ang ganda ng lyrics e.

    nakakakilig ;)

    ReplyDelete
  7. Tinanong mo sa akin kung ano ang gusto ko
    upang mapaligaya ang aking Pasko.
    Bakit mo pa kaya kailangan sabihin sa akin 'yan,
    para naman kasi hindi mo pa alam.

    Ang aking araw-araw ay iyo ng iniba
    mula pa nung ikaw ay aking nakilala.
    Pinasayaw ang ikot ng aking munting mundo,
    binigyan ng dahilan ang bawat oras at minuto.

    Doon ay kaya kong ipunin
    Lahat ng bituin
    Doon ay kaya kong igapos
    Ihip ng hangin
    Doon ay kaya kong ipagbawal
    Buhos ng ulan
    Sa panaginip lang kita
    Mahahagkan sinta
    Doon laaaaangggg..."


    WHoops. Wrong song.

    ReplyDelete
  8. Ruddie: will you promise me you'll sing THAT classic opm? ;)

    ReplyDelete
  9. nakakaiyak talaga tong song nato .. very heart warming

    thanks for sharing this lyrics.. :)

    ReplyDelete