Monday, July 12, 2010

To Meet or Not to Meet?

Sa mga matagal nang nagbabasa ng blog ko, alam nyo naman na si Spice ang paborito kong ex.  Ewan ko talaga kung bakit.  Siguro kasi masiyahin syang tao.  Madali lang patawanin.  Kaya nung tumawag sya isang hapon, kinilig ang tumbong ko e sinagot ko naman ito kahit ikliping beauty ang drama ko.

"Uy, tuloy ang Boracay namin, pero punta ako ng Manila ng mas maaga.  Pwede bang tumuloy dyan?"

(Hello. Tinatanong pa ba yon? E shempre ok lang kasi magkatabi kaming matutulog sa kama hihihihihi)

"Shure. What time ka ba darating?"

"Siguro mga 7pm. MRT ako papunta sa inyo.  Oks lang ba magpasundo sa 'yo?"

(Jusme naman, e sinundo ko nga sya ng balikan mula sa probinsya for a grand total of twelve hours traveling time.  Ano ba naman ang pick-up-in ko sya sa MRT?)

"Sige. Dinner na lang tayo pagkasundo ko sa 'yo."

Mej umuunos ng katakot-takot nung gabing sinundo ko sya.  Tapos mej late pa sya.  Kinakabahan na ako nun kasi nasa EDSA lang ako nakahinto.  Any moment, e baka palayasin ako ng mga parak.  Malayo ang iikutan ko pa kung mangyari man yun. Kaya nung pumasok sya sa loob ng kotse, e medyo mainit na ang ulo ko.  Pero paano ka ba naman magagalit for long kung biglang magpa-cute ng paborito mong ex at sabihing "Wag ka na magalit, Ternie. Tignan mo o, basang basa na nga ako, tapos siksikan pa sa MRT. Sige na, wag ka na magalit," sabay ngiti with matching dimples.

Bwiset yang ngiting yan na may dimples.  It always gets me ;)

So ayun, umuwi muna kami para maka-ligo't bihis sya.  Then kumain kami sa Gateway ng Reyes Barbeque. Kumuha ako ng liempo at sya naman manok.  Impeyrniz, masarap yung pagkain.  Masarap din yung kwentuhan at yosi.  At higit sa lahat, masarap as always si Spice.

Teehee

Dialogue after tantantinin:

"Manyak ka talaga, Ternie!"

"Anong manyak? Pwede ba, Spice, e nakatihaya ka na sa kama with matching flag ceremony. Anong gusto mong gawin ko, mag-rosaryo't way of the cross?!"

Ay. 

Ayan, muntikan na naman akong mag-overshare :p

Anyhoo, hindi yun ang point ng kwento ko.  Ang gusto ko talaga ikwento e ang bumabagabag sa aking damdamin. A few days ago, nakausap ko kasi si Spice sa telepono. Ganito ang naging conversation namin:

"Ternie, punta ako ng Manila."

"Aw. Kailan? Dito ka ba matutulog sa bahay?"

"Hindi."

(Dramatic pause.)

"Sa bahay partner ko."

(Stunned silence on my end sabay patak ng isang luha sa kaliwang pisngi.  On cue ito, take note!)

"Uy, nandyan ka pa ba, Ternie?"

"Oo, nandito pa."

(Syempre kailangang kunwari composed ang boses sa telepono kahit na in reality, e gusto ko talaga magngangangawa.) 

"Kita tayo a.  Gusto ko sya ipakilala sa yo."

(Insert dinudurog na puso sound effects here.)

"Sure, no problem. Sige na, I have to go muna.  Labas na lang tayo when you come here."

(Sabay talon mula sa rurok ng bundok ala Zhang Ziyi sa Crouching Tiger, Hidden Dragon.)

Anooooobhhhhe, nakakalurkey! Ang paborito kong ex ay may jowa na.  At mukhang seryoso sila sa isa't-isa.  Seryoso enough na gusto pa ito ipakilala sa akin! Kakayanin ko ba itoh???  Baka makagawa ako ng  bonggang-bongang iskandalosa na ekzena sa magaganap na pagsasagupaan!

Kaya simula nung usap namin na yun, gabi-gabi ay maintim na dalangin ang ginagawa ko:

Juskopolordnamahabaginsalangit, give me a lover, a.s.a.p. please!

Echozzz lang hahahahaha

24 comments:

  1. mahirap kung may nararamdaman ka pa sa kaniya at gusto mo pang magkabalikan kayo

    pero kung wala na talaga, i believe walang dahilan para hindi kayo magkita

    ReplyDelete
  2. kala ko "meat" nabasa ko

    aw *hugs*

    ReplyDelete
  3. I have a suggestion: Sama mo yung pinakamalditang lalaking dumating sa buhay mo tapos pakilala mo na (instant) jowa mo. Hahaha!

    ReplyDelete
  4. kung may instant mami, instant pancit canton, instant ispageti, etc. kailangang may instant jowawerz na!!! =)

    at kailangang may moment of jerjer sa post ah!

    ReplyDelete
  5. oh damn..kakayanin mo bang magpaka aktres pag nagkita kita na kayo ng harapan? i don't think it's a good idea :)

    ReplyDelete
  6. Mas madrama naman ang mundo ng querida, riiiiiiiiiiiiiighhhttt?

    ReplyDelete
  7. hahaha ayaw patalo, dapat may karay karay din. that's the spirit honey!

    ReplyDelete
  8. hmpf mabuti pa cyamit mo me hindihmpf

    ReplyDelete
  9. Xtian: meat talaga hahahaha

    Anteros: naku, love ko si spice, pero not in THAT way. selos lang ako ng kaunti kasi may ibang binabalingan na sya ng atensyon ehehehe

    Caridad: he! :P

    Mugen: isama kita? echozzzz

    Paci: ay naman! uso na ngayon ang instant lolz

    Soltero: i'm not ms. rita gomez for nothing wahahaha

    Ruddie: ms. julie yap-daza's ettiquettes for a mistress is my bible ;)

    Oral: dabah??? hahahaha

    Coño: di mo nga ako sama sa cruise mo noh. humpft.

    ReplyDelete
  10. gumamit ka ng proxy na lover. hanap ka ng friend na gwapo, kunwari pakilala mo sa kanya na jowa mo.

    malay mo magselos sya, heheheh.

    ReplyDelete
  11. Pilyo: shempre ang unang pumasok sa isip ko ung nakita ko ang salitang proxy e sino ba ang bibitbitin ko, si firefox, safari, chrome, o si iternet explorer lolz

    salamat sa pagdaan at pag-iwan ng comment, pilyo! nawa'y mabuti ang lahat sa kaharian ng encantadia :D

    ReplyDelete
  12. parusa lang pag tinuloy mo yan, teh. lalo na't mukhang di ka pa handa. at wala ka pang pang-props na boyfriend.

    ReplyDelete
  13. kaya mo gawin yun? ang tibay mo. hehe.

    anyhoos, ako'y bagong salta. :p

    ReplyDelete
  14. susko, i had to re-read it again kasi naman i initially thought that you guys,

    1. ate liempo and chicken
    2. shared stories
    3. smoked
    4. had sex

    at lahat ng ito ay nangyari sa reyes barbecue sa gateway!

    ReplyDelete
  15. Isama mo ako't taas pa lang ng kilay ko eh walkout yung spice mo. Hahahaha!

    ReplyDelete
  16. XJ: ay sana hindi naman. wafu kasi yung jowa ni ex e mwahahahahaha

    salamat nga pala for following me and leaving a comment ;)

    Pipo: sus, uu naman. gwapo kasi yung jowa e wahahahaha

    welcum to this part of the blogosphere :D don't be a stranger ok? ;)

    John Stan: ay whynatz? public sex itoh! lolz

    Mugen: sige para orgy kung orgy ang kalalabasan weeeeeeee

    ReplyDelete
  17. hahahaahahahahahahahhaha...love you chubs!bidang bida ako ah.and to all his friends here.....AKO PO SI SPICE.

    ReplyDelete
  18. here i am chubs.hahaha.guys i am the SPICE of ETERNAl..oops...THE EX-SPICE i should say.hahaha

    ReplyDelete
  19. Spice: jusme, talagang nag-post ulit para lang may pic.

    lolz

    ReplyDelete
  20. hmm... may kamukha siya... pero hindi... imposibleng siya yun...

    ReplyDelete
  21. u asked me to post my pic di ba?hays chubs

    ReplyDelete
  22. Ex: ay sino??? hehehhehe

    Spice: at talaga naman nagpalit ng pic ano? :P

    ReplyDelete