Si Varsity Boy at Ako: Pers Lab 2
Gaya ng sabi ko, nagbagong buhay ako nung taon na yun. Mula sa pagiging barumbado at pabaya sa pag-aaral, e nagsikap na ako ng husto. At nagbunga ito ng magagandang grades, lalo na sa math. Aba e, before I knew it, e nagpapaturo na ang mga kaklase ko sa akin. At isa na doon si Varsity Boy.
"Ternie, can you help me out ba this weekend?"
Malapit na kasi ang 2nd quater exams namin. E palibhasa ensayo sila ng ensayo ng basketball, medyo di maintindihan ni Varsity Boy yung mga ilang theorems at ang applications nito sa proving.
"Sige ba, no problem yun sa akin. Basta ikaw!"
"Hey, super thanks! I'll sleep-over na rin ha, so we can cover a lot of things", sabay wink sa akin.
Ano daw? Tama ba ang narinig ko? Magsli-sleep-over daw sya sa bahay ko?
Ang tanging nasagot ko na lang sa kanya ay isang mahinhin na "Okay."
Hihihihihihihi
Sabado ng hapon, sobrang di ako makapakali. Mamaya-maya e inaayos-ayos ang kubre-kama, tapos kumukuha ng scratch papers, tapos naghahanap ng mga pencils at erasers, tapos tumitingin ng exercises na magagawa sa geom book. Para akong pusang di makapanganak!
Knock, knock, knock, narinig ko ang katok sa gate. Shet, nandyan na sya!
"Hey, come in! O teka, why are you drenched in sweat?"
"I just came from practice kasi e. Can I shower ba muna before we study? Para mabango ako."
May ganun talaga? Bigla akong pinagpawisan ng malagkit sa thought na maliligo sya sa banyo namin. Eto na kaya ang pinagkakaasam kong pagkakataon?
"Ah okay. Sure, why not? Here's the banyo o. Take your time, I'll have merienda prepared."
Siguro mga 15 minutos ang nakalipas bago sya makalabas ng c.r. Pumasok sya sa kwarto ko naka-shorts at sando na. Ako naman, nakadapa sa kama, nanonood ng t.v.
"You're done na pala. You wanna start studying na ba?"
"Later na, I'll eat muna the sandwhich and rest a little", at dumapa din sya sa tabi ko sa kama.
Walang kwenta ang palabas sa t.v., pero hala, sige, nanood pa rin kami. Nakatutok lang sa screen. Ewan ko, pero nararamdaman ko ang tension at kaba habang katabi sya. At nararamdaman ko rin yun sa kanya. Para bang may high-voltage electricity na namamagitan sa amin.
Nagkaroon ng commercial break nung sabay kami napasabi ng, "So, ano..."
Napatigil kami. Nagkatinginan sa mata. Nakita kong tinilt nya ang head nya, at inilapit ang face sa akin.
Ay juskolord, this is, it pansit! Makukuryente na ako!
Si Varsity Boy at Ako: Pers Lab 4