Friday, September 25, 2009

Si Varsity Boy at Ako: Pers Lab 2

Si Varsity Boy at Ako: Pers Lab 1 (Re-Post)

Pero saka na muna ang kalandian. Since baguhan ako, e pa-low key effect ang drama ko. So ayun, naupo ako sa bakanteng upuan sa bandang likod. Mamaya-maya, may narinig akong boses sa likod ko.

"Sorry, but do you have an extra blue ball pen? Mine ran out of ink na eh."

Lumingon ako...

"Sure, no..."

...at napatigil sa kalagitnaan ng sasabihin ko. E paano naman, ang humihingi sa akin ng ballpen e tisoy-tisoy, gwapuhin, and most impotantly, chunky! Pramis, kumislot ng bahagya ang tumbong ko. Pero shempre kailangan mej pa-sweet ang effect.

"Uhmm, what were you asking?", sabay flip ng hair ko.

"Ball pen. Blue, if you have extra lang naman."

"Sure, ikaw pa", with matching smile sa kanya. At nag-smile back si kolokoy!

"Hi, my name is Varsity Boy. You're new ano?"

"And I'm Eternal Wanderer. Ternie for short. Yeah, I'm new here eh."

At this point, nagco-cross na ako ng fingers na sana mag-hold up yung glue ng falsies ko. E pano ba naman, panay ang pa-beautiful eyes ko sa kanya.

"Hey, you wanna sit beside me?", alok nya sa akin.

"It's okay. I'm good here. But thanks for the offer ha"

Oo na, sige na. Aaminin ko, gustong-gusto kong tumabi sa kanya ng upuan, pero kailangan pa-demure at pa-hard to get muna, di ba? Baka mamaya e sabihin nyang isa akong pokpok na nakukuha sa sutsot, kalabit at kindat (not necessarily in that order).

Ahmmm, well, siguro a little pokpok lang. At saka excuse me noh, wala akong kamuang-muang sa kamunduhan nung mga panahong iyon...

Etchoz!

Si Varsity Boy at Ako: Pers Lab 3

7 comments:

  1. That was a good guffaw we just had! Hahahaha! Real funny stuff EW! Haliparot!

    ReplyDelete
  2. Naaalala ko first day of college ko, I found out yung hs crush ko, eh kapareho ko ng course at kaklase ko pa.

    nagpahard to get ako, kaya ayun sa iba siya bumarkada...

    ReplyDelete
  3. laftrip!

    una di ko naget yung falsies, pero nagets ko na, hahaha.

    ReplyDelete
  4. "Ahmmm, well, siguro a little pokpok lang. At saka excuse me noh, wala akong kamuang-muang sa kamunduhan nung mga panahong iyon..."

    ROOOOOIIIIIIIIIGGGGGHHTTTTT! Toddler ka pa lang, malandi ka na. Hihihi!

    ReplyDelete
  5. ako may isang box ng blue pen... galing japan! hahahaha!

    ReplyDelete
  6. "...well, siguro a little pokpok lang."

    hahaha.. ano yan?? poklet? (maliit na pokpok?)

    sabay flip ng hair ko.
    alala ko tuloy ang charlie's angels. hahaha..

    ReplyDelete
  7. Bon: yeah, sumakit tyan ko :D

    Engel: ay kasi baka di ka nag-lagay ng falsies hahahaha

    Max: like i said to engel, falsies make all the difference! lolz

    HB: when i was a todler, the only way i would quiet down was to suck on something. a pacifier, you dirty minded you! ;)

    Commuter: ay hala ang bongga! hahaha

    Eye: poklet na farah fawcett (sumalangit sya nawa!)

    and who were you among the three of them? lolz

    ReplyDelete