No, hindi ako nanalo nung P200+ million na jackpot last week. Wish ko lang no! Pero paano ba naman ako mananalo e di naman ako tumaya hehehehe In fairness, niyaya ako ni EB na mag-bet nung nasa SM San Lazaro kami last week, pero naisip ko, jusme, ibibili ko na lang ng yosi yung pera. Si EB na lang ang tumaya tuloy. Well, obviously, di sya ang nanalo.
Belat ka EB. At least ako, may apat na packs ng yosi nyhahahaha
In fairness, napagtanto ko, e kung tumaya nga ako at nanalo, anong gagawin ko sa P200+ million? Eto ang listahan that I came up with:
1. Ipapaayos at restore ang family house. Habang under renovation e bibili na rin ako ng separate na bahay para kay Popsy and Mom. Kung babalik ulit sila sa family house e sila na bahala kung anong gagawin nila sa mga bagong bahay.
2. Magbibigay ng tig-P5 million sa mga magulang ko. Bahala narin sila kung anong gagawin nila doon.
3. Maghahanap ng bahay na bato na mansion sa probinsya na for sale. Naglalaway ako palagi sa mga ganun na bahay. Hindi ko alam kung bakit.
4. Bibili ng beach front property sa Cagbalete Island para may lugar bakasyunan.
5. Bibili ng mga bagong tsikot. Cheap lang naman ako e. Kahit CRV masaya na ako. At siguro isang Audi wehehehe
6. Magbibigay ng tig-P2 million sa mga half-sisters ko with the condition na makatapos sila ng post-grad studies MWAHAHAHA pero syempre, sagot ko na rin undergrad nila ;)
7. Speaking of education, magbibigay na rin ako sa Ateneo Scholarship Fund at sa ano mang-pangskolar sa U.P. Magbibigay na rin ako ng pang-aral para sa mga student volleyball athletes ng U.P. at Ateneo.
8. Since nangantyaw ang tropa ko nung napag-usapan namin ang lotto, bibigyan ko si Cubao Boy, EB, Man4Twinks, at si Ting-Ting Cojuangco ng tig-P1 million.
9. Mahilig mag-travel ang mga blogger tropa ko, kaya taya ko ang bakasyon sa Europe.
10. At dahil mahilig ako sa mga choirs, bibigyan ko rin ng touring fund ang Philippine Madrigal Singers at Ateneo Chamber Singers.
11. Siguro marami pa naman ang matitira, kaya ipapasok ko to sa stocks, mutual funds, at kung ano-ano pang investments.
12. Itatayo ko na rin ang mga dream businesses ko: na magbukas ng massage parlor specializing in extra service at magkaroon isang bonggang-banggang fleet ng taxis na gwapo at gwapo lang nga mga drivers AHAHAHAHA
gandang pangarap yan. kung ako manalo lotto, di ko alam kung saan ako magsisimula paano gagastusin yun. hay.
ReplyDeletealam ko kung bakit ka naglalaway sa bahay na bato hehe
ReplyDelete--
gusto mo kasi ng malalaking bintana na may malalaking kurtina, tapos tatayo ka dito at dudungaw. malakas ang hangin at tinatangay ang mga tuyon dahon.. tapos na white silk nighties ka..
there were nights when the wind was so coldddd
and my body frozen bad....
sige kaw na.
pwede bang ako una mong customer sa massage parlor with extra service?!
ReplyDeletehahaha
well i wish you'll win in the lotto jackpot next time hehehe and don't forget to give me a free ride in your taxi business heheheh
ReplyDeletehindi mo ko aambunan?
ReplyDeletehmpf, hmpf at isa pang hmpf!
Engel: tara, aya nga tayo next time na lumaki ang pot money hehehe
ReplyDeleteDabo: aw. si eternal wanderer sa may bintana AHAHAHAHAHA
Iuri: sure. bigyan pa kita ng VIP card lolz
Math: kaw din, may VIP cad din for the taxi. byaheng 7th heaven itu hahaha
John Stan: e balita ko, may napapa-ambon ka naman lately daw e weeeeee
LT, i only fly first class. *wink*
ReplyDeleteHeidi: i furness, ang soshal mo.
ReplyDeleteE kung ipalagay kita sa cargo para doon ka magsa-sashay in your stilettos?!
WAHAHAHAHA
are we swinging to swindon lowla? :)
ReplyDeleteKate Moss: saan ka na naman nagsususuot?
ReplyDeletesumagot ka ng tuwid.
harumpft.
Great and I have a dandy present: Whole House Remodel Cost sustainable home renovation
ReplyDelete