Wednesday, January 6, 2010

Maala-Ala Mo Kaya ang Iyong Kabaklaan 1

Nagtataka si Eternal Wanderer.

Kamo daw, ano ang nakain ng mga bloggers at nagkalat ang mga istorya ukol sa kanilang paglaladlad.  Meron kay Johnny Cursive, kay Engel, at sa baklitang Lukayo.

Aba, aba, aba! Magpapatalo ba ang Eternal Wanderer? Shempre hindi noh. Kaya dali-dali syang kumuha ng papel at ballpen, at sa kanyang kahig-manok na handwriting, e sumulat sya ng liham sa palabas na Maala-ala Mo Kaya.

Ito ag kinalabasan ng sulat nya:

"Dear Ate Charo,

Isang magandang gabi sa inyo!  Masugid na fan nyo po ako ng iyong mga pelikula.  Nai-torrent ko po ang iyong movie kung saan ka unang lumabas - yung Itim.  Sa totoo lang, e bonggang-bongga pagkatakot ang sinapit ko.  Kasama ko po nanood yung aking booking, at sa aking pagkagulat sa isang eksena ay napatili po ako at napaakap kay koyah.  Pero sa halip na sa matipunong dibdib nya napunta ang aking mga kamay, e sa ibang lugar napadpad ang mga ito. May nakapkap po akong manigas-nigas at galet na bagay.  Kaya hayun, di na namin natapos ang pekikula ninyo. Sa halip ay nag-mistulang Pops Fernadez po ako na tanyag sa kanyang titulo na "Concert Queen."

Ay.

Paumanhin po. 

Ibang kwento na pala yun.  Lumalayo na ako sa akin pakay sa pag-liham sa inyo.

Ate Charo, payagan nyo po akong ipakilala sa inyong manonood ang aking sarili.  Ako po si  Eternal Wanderer, pero dahil sa kakulitan ni Engel, e maari nyo na rin po akong tawagin na Ternie.  Isa po akong dalisay, busilak, and mayumi na blogger.  Sumulat po ako sa inyo dahil nais ko lamang ibahagya ang aking munting kwento ukol sa aking pagtatanto sa mga ilang bahagi ng aking kabataan.

Naalala ko po noon, Ate Charo, hindi po ako masyadong close sa mga kababata kong lalaki.  Ayoko po silang masyadong makalaro sapagka't may karahasan ang kanilang uri ng mga gawain.  Minsan, sa kadahilanag kinukulit nila ako, e napipilitan na lang po ako maki-join sa kanila sa teks, chato, trumpo, baril-barilan, at kung ano-ano pang mga panglarong lalaki.

Isang summer, Ate Charo, e yinaya nila akong umakyat ng puno ng aratiles.  Hitik na hitik po kasi ito ng bunga.  Hindi pa po uso ang Farmville nun, pero nais na nila i-harvest ang mga bunga mula sa puno.  Tinarayan ko po sila. At dahil mahilig po akong mag-Ingles-Inglesan, e sinabi ko, 'Excuse me, that's such a jologs thing to do kaya! Eeeeeeew! And besides, I'm not a monkey eh!'

Di na po nila ako inimbita makipag-laro sa kanila.

28 comments:

  1. astig.

    masaya pala talaga sa mga puno ng aratiles.

    ReplyDelete
  2. at ang title ng episode na ito ay: aratiles =D

    natawa na lamang ako while reading this lol

    ReplyDelete
  3. andrei: if you ask me, i'm ot a big fan of aratiles.

    prolly becuase of THAT incident lolz

    lee: teehee :D

    ReplyDelete
  4. kelangan talaga idamay ako dito?!

    may aratiles pa kaya ngayon. feeling ko extinct na yang punong yan.

    tsaka Ligaya na kaya tawag ko sa'yo!!!

    =P

    ReplyDelete
  5. Aminin mo na kasi eh, nakatingin ka dun sa mga flowers sa tabi ng aratiles kaya ayaw mong umakyat sa puno. Lolz.

    ReplyDelete
  6. Galen: teh, sa totoo lang, ang rason kaya ayaw ko umakyat ng puno e para maboso ko mga bukol nila mula sa baba.

    earthworm's view kung baga.

    ahahahahaha

    Engel: ay naman!

    ikaw ang may kasalanan kaya lahat ng bloggers, fom mugen to dabo, to ruddie to iurico e ang tawag sa akin ay ternie!

    grrrr.

    lolz

    ReplyDelete
  7. Dear Ternie,

    Magtigil ka!

    Ang nagmamahal,
    Ate Charo

    Hahahahahahahahahhaha

    ReplyDelete
  8. haynaku, ternie, kaya ayaw mong umakyat sa puno dahil alam mong walang brief ang mga kalaro mong lalaki sa ilalim ng kanilang puruntong shorts. tseh!

    ReplyDelete
  9. Iuri: tseeeeh lolz

    John Stan: ay naman! ahahahaha

    ReplyDelete
  10. what it aratiles? (saying it in my californian accent) hahhahha

    ReplyDelete
  11. Clipped: nuka, valley gurhl?

    hahahahahhaha

    ReplyDelete
  12. kala nyo kayo lang, ako din, maglabas ako ng ganito soon, hahaha.

    laftrip yung itim!

    ReplyDelete
  13. max: pwamis, pati ako, natawa doon sa part na yun!

    mwahahaha

    ReplyDelete
  14. bwahahahahahaha

    nagttrabaho ako dito sa opis nang maayos ano ba iniistorbo mo ko ng liham mo. hahaha.

    someone has to explain to me why
    "Ternie".

    dalisay, busilak, and mayumi ba kamo? o sige agree ako dun kampi ako sayo eh hahaha

    ReplyDelete
  15. ok i just have to say it pero ang ganda ng word verification mo:

    JACCULE.

    panalo!

    ReplyDelete
  16. Curvie: allow me the dubious honor of explaining why.

    read this.

    smart-ass engel picked up the nick from there.

    wahahahaha

    thanks for leaving a comment, you boy de jour ;)

    ReplyDelete
  17. panalo to! hahaha nakakahiya mag-isa akong tumatawa dito. hahaha

    bakit kaya di ka na nila ulit inaya? baka delikado daw yung puno ng aratiles para sa mga "dalisay, busilak, and mayumi" tulad mo. haha

    ReplyDelete
  18. City: that's why i still bear a grudge against them.

    chura nila!

    lolz

    ReplyDelete
  19. May puno kami ng aratiles sa bahay sa Cavite. Buhay pa rin. Namumunga pa rin.

    So hindi pa siya extinct. Yun lang hehe.

    ReplyDelete
  20. Red: well, in furness to engel, matagal na rin yata ako di nakakakita ng aratiles hahahaha

    ReplyDelete
  21. Eto un pinakamasaya na coming out story na nabasa ko. Hehe. :D

    ReplyDelete
  22. Ruby: abagan ag mga sususnod a kabaata weeeeeeee

    thanks for passing by a. don't be a stranger!

    ReplyDelete
  23. you were friends with the wrong boys...

    ang mga friendship ko noong boylets eh, mga ti** nila nilalaro nila kaya bet na bet kong sumali.... hahahahaha

    pero nagdalaga parin naman akong busilak at dalisay tulad mo... :)

    ReplyDelete
  24. Yj: zis, panalo ka!

    apir!@busilak and dalisay hahahaha

    ReplyDelete