Ate Charo, hindi naman po ako isang Laila Chikadora para sabihin na may nangyari sa amin ni Albert Martinez. Though looking back, doon ko po napagtanto na kakaiba po pala ako. May lihim na pagnanasa po ako sa kapwa kong lalaki. Pero okay lang po yun, ayon sa aking mga magulang. Ang bilin lang ni Popsy e practice safe sex daw at wag magda-drugs. Since masunurin po akong bata, isa sa kanyang mga tuntunin ang aking masigasig na sinusundan. Hulaan nyo na lang po kung ano iyon.
Si Mom naman, sabi nya okay naman din sa kanya yun, pero malungkot na lifestyle daw ang ganung buhay. Ang tugon ko naman, 'Mom, do you see me unhappy about it? Choice naman ang maging happy or sad, right? What matters naman is how you deal with other people, and in that sense, I'd like to think I'm a well-adjusted person.'
Natuwa ang ina ko sa sagot ko. Mala-Gloria Diaz, Ms. Universe 1969 daw ako mag-reason out. Ate Charo, di ako maka-relate sa sinabi nya. Panahon nya kasi yun. Ako, ang naabutan ko lang po e si Miriam Quiambao, isang beauty queen na lumagpak sa stage, pero may poise pa rin bumangon at i-face ang adversities in life. Bonggang-bongga, dabah?
Ate Charo, maraming salamat at binigyan nyo po akong nang pagkakataon na isalaysay ang aking kwento. Mahaba na po itong sulat, pero may gusto lang sana akong hingiin na payo. Meron po kasi akong napupusuan. Ang pangalan nya ay si Hello Kitty. Gwapo po sya at matalino. Nag-eenjoy po ako palagi tuwing kami ay nag-iinteract. Ano po ang aking gagawin sa kanya?
Nagmamahal,
Ternie."
-----
Nagulat si Eternal Wanderer. May natanggap syang sulat kaagad mula kay Ate Charo. In fairness, masipag pala magbasa at sumagot ang mga p.a. nya!
Eto ang laman ng sulat nya:
"Dear Ternie,
Maraming salamat sa iyong mala-nobela na sulat!
Isa lang ang masasabi ko. B-A-K-L-A ka. And excuse me, napi-feel ko na hindi ka dalisay, busilak, at mayumi at all.
Tugkol naman sa tanong mo kay Hello Kitty, e ang maipapayo ko e go ka lang ng go, laban kung laban, fight kung fight. Mag-enjoy ka ng husto, at huwag kakalimutan na magpakalmot ng mabuti, ok?
Nagmamahal,
Ate Charo."
Sumakit ang bangs ni Eternal Wanderer sa sulat.
Echuzerang froglette ka, Ate Charo!
*backs s-l-o-o-w-l-y away from post*
ReplyDelete"...di ako maka-relate sa sinabi nya. Panahon nya kasi yun. Ako, ang naabutan ko lang po e si Miriam Quiambao..." ---> Talaga lang ha?! Hmmm... siguro mas kapanipaniwala (thanks for the word, by the way) kung si Margie Moran! "Laila Chikadora" ka talaga! LOL!
ReplyDeleteSumakit ang bangs?! Anu yan... sa may tumbong mo?!
May tama si ate Charo!
ReplyDeleteyiihii. pakilala mo na si Hello Kitty Ternie!!! Please birthday gift mo sakin!! =D
Haha! Enjoyed reading the maalaala posts. :D
ReplyDeleteang dami-dami moral lesson sa ikinonfess mo ang aming hindi natutunan hehehe
ReplyDeleteingat lagi ternie! pakiss ahh mwahhhhhhhh!
napatambling naman ako. haha akalain mo ganyan pala sumagot si ate charo.
ReplyDeletehaha awwwww... na-tats naman ako sa reasoning mong mala-gloria diaz circa 1969.
ReplyDeletenag-aabang po ako ng ikalawang yugto.. hekhekhek
sino ang gaganap bilang ikaw sa maalaala mo kaya?
ReplyDeletehahaha at talagang umabot ng 4 parts lols
ReplyDeleteano yung froglette? hahaha.
ReplyDeletemay sagot pa talaga si ate charo. hehe.