Friday, January 8, 2010

Maala-Ala Mo Kaya ang Iyong Kabaklaan 2

Maala-Ala Mo Kaya ang Iyong Kabaklaan 1

Pero okay lan yun, Ate Charo.  If truth be told, mas gusto ko po talaga kalaro yung mga babae kong kapit-bahay.  Enjoy na enjoy po ako sa tuwing kami ay mag-chinese garter at jackstone.  Tuwang-tuwa sila lalo na kapag nagbabahay-bahyan o doktor-doktoran kami kasi merong gaganap na tatay at doktor.  Pero naaalala ko, naiinis ako dahil nakakasawang gampanan ang role ng doktor palagi.  Ang gusto ko po talaga ay ako  po yung pinunong nars na nakaputing cap at matching stockings.  Ayoko namang maging nanay.  Napaka-bargas na nun. Baka palayasin din nila ako sa laro tulad nung  sa mga lalaki.  Sabihin pa nung mga babae e nang-aagaw ako ng eksena.

Echoz lang po yun.  Baka maniwala naman po kayo.

Siguro, Ate Charo, yung pinaka defining moment ko po sa aking ala-ala e doon sa shooting nila Popsy.  Sa bahay po ito nung direktor.  Nagkataon na malapit po ito sa amin kaya naghangout po ako doon. Pero di nagtagal e nainip din ako.  So sabi ni Popsy dun muna ako tumambay at manood ng cartoons sa kwarto ng direktor habang nagshoo-shooting sila.

Dali-dali akong umakyat sa silid-tulugan ni Direk.  Masarap po pala talaga tumambay doon.  Malamig ang aircon at malaki yung TV.  Malaki rin po ang kama, kaya wala po akong atubili na humilata dtio habang nanonood ng cartoons.

Habang sa kalagitnaan ng aking panonood ay mayroog biglang kumatok sa pintuan. Nagtaka ako.  Wala namag sinabi si Popsy o si Direk na may ibang gagamit ng kwarto.  Pero dali-dali na rin po akong tumayo at binuksan ang pinto.

Nagulat po ako ng husto.

Dahil ang tumumbad sa aking harapan ay si Albert Martinez.

Maala-Ala Mo Kaya ang Iyong Kabaklaan 3

22 comments:

  1. hahaha! at talagang hanggang kay Albert Martinez lang ang sequel nya ha? hmmm anong ginawa niyong dalawa.

    ReplyDelete
  2. guwapo pala

    ang tanong, anong gagawin ni albert martinez sa kuwarto ni direk?

    ahahahaha

    ReplyDelete
  3. dapat ganito ang title -

    Maalala mo kaya - ang iyong kahalayan 2.

    Hahaahaha

    ReplyDelete
  4. kainis! heto ka naman, nambibitin hehehe

    ReplyDelete
  5. albert martinez. sarap. nagutom ako bigla.

    ReplyDelete
  6. Iuri: tseeeh kaaaaa lolz

    Dabo: naman! hahahha

    John Stan: dabah???

    ReplyDelete
  7. "Ang gusto ko po talaga ay ako po yung pinunong nars na nakaputing cap at matching stockings."---> Florence Nightingale, is datchou?! Haha!

    ReplyDelete
  8. Bon: yes. i love ministering to the needs of man.

    hahahhaha

    ReplyDelete
  9. ok inaabangan ko ito ala mara clara. sana lang hindi sing haba ng mara clara to na may ikalawang libro pa at bagong time slot.

    ReplyDelete
  10. Curvie: huwaw naman, nahipo ako dahil aabangan mo talaga.

    weeeeeeee

    ReplyDelete
  11. OMG hinalay ka ni Albert? hahaha echoz....

    aaaaaaaaay feeling ko lang nagpaka Glydel Mercado ka sa Sidhi nang makita mo si Albert.....

    ReplyDelete
  12. Yj: hindi. ako si nora dahil napipi ak sa nakita ko wahahaha

    ReplyDelete
  13. howmygaed.. napatambling ako kay albert. kung may milf, he's definitely dilf!

    ReplyDelete
  14. City: he's aging gracefully ano? *tulo-laway*

    ReplyDelete
  15. haha, pinunong nars with stockings tapos albert martinez, laftrip na naman!

    ReplyDelete