Tuesday, June 2, 2009

Tripping Down TV Memory Lane 2

Minsan, kung adik ako, uuwi ako para mananghalian lang, tapos balik sa kapit-bahay sa hapon para manood ng mga ito:

Si Electro Woman at Dyna Girl! Nilalaro namin
yan ng nakababata kong pinsan na babae.
Syempre ako si EW at sya si DG.

Eto sila in action:


Sa awa ng Diyos, yung nakababata kong pinsan
na babae e hiwalay sa asawa 't tibo na ngayon.


May isa pa akong paborito na live-action show. Sa totoo lang, mas gusto ko pa nga ito kesa sa Elecro Woman at Dyna Girl:

Si mighty Isis! Dahil sa kanya, e napabasa
tuloy ako ng lahat na available na libro
sa school library namin tungkol sa
Egyptian mythology. Na ikinagalak
naman ni Ermats kasi mabuti daw yun
para sa ikalalawak ng knowledge ko.
Kung alam lang nya....


Eto sya pag nag-tratransform:


Lumalangoy ako nun sa Ateneo Grade School pool
tuwing Linggo ng umaga kasama si Ermats.
Bago ako tumalon, pose muna ako at bubulong
"O mighty Isis!" sabay dive. Tuwang tuwa si Ermats
dahil kada talon ko, e nagiimprove daw ako ng husto.


Pero sa kanilang tatlo, sya na siguro ang pinaka-paborito ko:

Ang ganda at sexy nya ano? Kasama nya dito
si Wonder Girl, kababata nyang kapatid.

Palibhasa gabi na kung ipalabas yun, kaya sa bahay na lang ng lolo't lola ko na lang ako nanonood nito. Overnight na doon, sabay diretso sa school the next day. Never ko pinalampas yata ang Thursday night na di ko yan papanoorin. Deadma kung may exam the next day. Karay-karay ko ang review materials, notes, at mga libro sa bahay ng lolo't lola ko. Sabay kami nanonood ng isa ko pang nakababatang pinsan na babae. Minsan, habang nanonood kami nagtanong sya, "Kuya, ba't ba ang hilig mo manood ng Wonder Woman?" Ang pa-utal kong sagot e "Uhmm... ah...ermmm...kasi mahilig ako sa invisible jets e." Ay jusme. Ano ba namang sagot yun?

Ganito mag-transform si Wonder Woman:


Nahihilo ako tuwing ginagaya ko sya
mag-transform. Pero kahit ilang ikot gawin
ko, kahit gaano kabilis, di ako magi-maging
Wonder Woman. Nagtataka na lang si Ermats kung
bakit ako napapatakbo sa banyo at sumusuka sa hilo.

(Hindi ako bading sabi e. Lalaki ako. Promise.)

Related links:
Tripping Down TV Memory Lane 1
Tripping Down TV Memory Lane 3

8 comments:

  1. Bwahahaha. Ang kulit nito. Benta yun chant before diving. Benta din yun hilong hilo sa kaiikot. Kung alam lang ni mother kung san nagsimula baka di ka na pinanuod ng TV.

    Si Wonder Woman lang ang kilala ko sa tatlong ito.

    ReplyDelete
  2. Wahahahahahhaha@Cathy

    Dedo ako kay Ermats kung mabasa nya blog ko lolz

    ReplyDelete
  3. Hope you feel better soon!

    QUOTE
    Sa awa ng Diyos, yung nakababata kong pinsan
    na babae e hiwalay sa asawa 't tibo na ngayon.
    UNQUOTE

    Okay.. so there seems to be a correlation between EW/DG and homosexuality.

    QUOTE
    h...ermmm...kasi mahilig ako sa invisible jets e
    UNQUOTE

    Baklang-bakla pa din sagot mo.. phallic symbol!

    Hehehe... and I am NOT a slut.

    ReplyDelete
  4. Beh, yeah I think the EW/DG show was more influential than I thought! lolz

    Jets are phallic symbols? I really gotta ride in 'em one of these days mwehehehe

    An yes beh, you are not a slut *winks* :P

    ReplyDelete
  5. call me nuts but i dont know dg and ew.

    ReplyDelete
  6. Don't worry Kris, they're obscure bitches! hahahahahaha

    ReplyDelete
  7. AMF! Ans sexy naman ni WonderWoman..
    Magaya nga ang pagttransform nya.. :)

    *di rin ako bading* :)

    ReplyDelete
  8. Acrylique, tip ko: mag bonamine muna para wag mahilo!

    sana makamit mo ang transformation na ipinagkait sa akin.

    wahahahahahha

    ReplyDelete