Thursday, June 4, 2009

Tripping Down TV Memory Lane 3

Siguro mga 10 yrs. old na ako nung sinabi ni Ermats na pwede na magka-TV sa bahay. Tuwang-tuwa ako kasi bumili si Erpats ng bagong TV. At malaki pa! Kaya nagpakasasa naman ako manood doon. Sa mga panahong yun, may bagong series na pinapalabas sa channel 7. Nagalak ako dahil lalaking hero naman ang pinapanood ko for a change.

Eto sya:

Napakakisig ni He-Man! Nasiyahan akong sulyapin palagi ang
mga muscles nya pag nag-transorm si Prince Adam into He-man.


Hindi nagtagal, e may nilabas din na spin-off na cartoon. Aba, may kambal na babae pala si Prince Adam! At nung nakuha ni Princess Adora ang magical sword at sumigaw ng "For the honor of Greyskull!" sya ay naging:

She-Ra, Princess of Power! At ang paborito kong
kalaban nya ay si Catra. Yung isang kaklase ako sa
grade school, e role-playing kami. Ako si She-Ra,
sya si Catra. Nag-gugulungan kami kakabuntal
sa football field, at sa pag-uwi ko, pinapagalitan
ako palagi ni Ermats dahil gulagulanit na uniform
ko't may mga suga't pasa na rin ako sa buong katawan.


Hindi ko papalampasin na ipakita sa inyo kung paano magtransform si She-Ra:


Needless to say, ang huling balita ko,
bakla na yung kaklase ko na yun.


(Hindi ako badiiiiiing!!! Wag makuliiiiiit!!!!)

Oo, masaya naman ang panonood ko ng TV nung bata ako. Between Electro Woman, Isis, Wonder Woman, at She-Ra, naging makulay ang imahinasyon at mundo ko. Salamat sa kanila, e nagkaroon ako ng role models for the sense of what is right and justice tempered with compassion. Dala-dala ko pa rin sa aking pagkatao ang mga values na ito hanggang ngayon. And without batting an eyelash, masasabi ko na magagandang kaugalian naman ang mga values na ito. So you see, may pinatunguhan naman ang panonood ng mga TV shows na to, di ba?

-----

Naalala ko lang ang lahat ng mga ito dahil sa isang conversation namin ni Totoy Mola. Topic namin kung ano ang mag favorite TV shows namin nung bata kami. Hilig nya yung mga action type. Kwinento ko yun akin. Ang react nya?

Isang gruff at astiging "EW, ang vahklita mo."

Sobrang miss na kita, Tototy Mola. Totoong-totoo yun. Pumunta ka sa Sabado a. Magtatagay ka ng Red Horse at ako naman Coke Zero. At pagsaluhan natin ang ating pagiging magkaibigan.

Related links:
Tripping Down TV Memory Lane 1
Tripping Down TV Memory Lane 2

4 comments: