Tuesday, July 7, 2009

Nang Lusubin ng Apat na Vahklitah ang Maynila 1

Masarap ang tulog ni Eternal Wanderer nung Linggo ng umaga. E paano ba naman, hanggang 4:30 a.m. magkasama pa sa gimikan sina Man4Boys, Totoy Mola, Cubao Boy, at Miley Cyrus. Kahit di nainom ng alak si Eternal Wanderer, nakatsyawan syang uminom ng shot ang Absolut Kurant (miminsan na nga lang uminon, kaya nagpaka-soshal sya. Ladies drink kung ladies drink, ayon kay Totoy Mola).

So ayun, habang kasalukuyang humihilik, gumagawa ng mapa ng Argentina sa unan, at napapanaginipan si Wafu (sabay-sabay yun a) e biglang nakalampog ang tulog ni Eternal Wanderer ng kanyang literal na tumitili na cell phone.

Totoy Mola: Hoy vhot-vhot gumising ka na.
Eternal Wanderer: (boses Inday Garutay kasi kakagising lang) Tuod ka! Ang aga-aga, nambubuset ka na naman! Batet?
TM: Si Man4Boys, nagyayayang mag-168. Daanan kita mga 3:00 p.m.
EW: Sige.

Di naman kaladkarin si Eternal Wanderer ano? Di pa nakadilat ang dalawang mata, sige kaagad ang tugon sa yaya ng tropa. At kahit tulog pa ang diwa nya, call sya agad kay Cubao Boy.

Eternal Wanderer: Hoy batugan, bumangon ka nga.
Cubao Boy: Tulog pa ako. Wag ka buset.
EW: Si Man4Boys nagyayaya mag 168. Daanan ka namin ni Totoy Mola mga 3:30 p.m.
CB: Okies.

Kung kaladkarin si Eternal Wanderer naman, ano pa ang tawag kay Cubao Boy (pwera sa masarap)? Kahit nakahilata pa sya sa kama suot-suot ang skimpy briefs nya at humihilik, sasagot yan ng oo kaagad basta hilahan time.

Kasi mahirap mag-park sa 168, e nag-alok si Man4Boys na kotse na lang nya ang gamitin papuntang Maynila (ang galante nya talaga. Etchoz!) So nagpark na lang sila Totoy Mola & co. sa may bandang Shaw at doon sila sinundo ni Man4Boys. Makulit silang apat sa kotse. Harutan ng harutan. Malamang na-miss nila ang isa't isa mula ng maghiwalay sila ng 4:30 ng umaga.

Pagdating nila sa 168, e umuulan na. Bopols din si Totoy Mola at si Eternal Wanderer. Nakita na ngang uulan, e nagshorts at tsinelas pa sila. Ang kinalabasan, e putik-putik ang kanilang mga paa at bagong manicured na toes. Pero di bale, pwera kay Man4Boys, e first time nilang lahat makapag-168. Ganun pala doon. Isang malaking tiangge na aircon. Samu't-saring bagay ang mga binebenta, mula sa mga kinky na panties, plato't baso, hanggang sa mga figurines, damit at wallet. Nakakaduling sa mata sa dami. At naduling din si Totoy Mola dahil may nakita syang gwapo.

TM: Ay, may gwapo doon o!
EW: Talande ka. Hanggang dito e naghahanap ka pa rin ng makakalantarin.
TM: May magagawa ba ako, e tumitingin sa akin. Gwapo kasi ako.
EW: Gwapo? Hindi ka gwapo. Ikaw ay isang tuod.
TM: Leche ka!

Related links:
Nang Lusubin ng Apat na Vahklitah ang Maynila 2
Nang Lusubin ng Apat na Vahklitah ang Maynila 3

11 comments:

  1. Wahahah.. Super Laff Trip

    ReplyDelete
  2. Miley Cyrus? xP

    WV: epuroat

    ReplyDelete
  3. isdachu hannah bananah? :)

    wv: con iata

    ReplyDelete
  4. Ang dami ko naman nickname.
    Sino ba nag bibinyag mga yan?

    Nakangiti ako till Monday, pramis

    -D-

    ReplyDelete
  5. Pahabol

    3 lang ang vahklita that day noh.Vhoy ako

    -D-

    ReplyDelete
  6. EB: e totoo naman. comedy yung buong trip. pati the night before hehehe

    HB: naman! WAHAHAHAHAHAHHA

    Anon: fad na pala ang anon comments nowadays. anakan mo naman ako. please. lolz

    D: lolz@3 vaklitas + 1 vhoy

    ReplyDelete
  7. Pwede mo rin ba ako anakan Anonymous 1? at ikaw na rin Anonymous 2 aka -D-
    LOLS

    ReplyDelete
  8. ewan ko ba kung bakit tawang-tawa ako sa "tuod ka!" masyado ko na yatang nami-miss ang mga baklitang filipina. parang yung mga baklita dito hindi nakakatawa.

    ReplyDelete
  9. EB: wag kang makisawsaw a. Akin si Anon at saka si D lolz

    Deeps: that's impossible! maraming pnoy na bading dyan wahahahahaha

    ReplyDelete
  10. Sunday 2am at nasa bahay lang umiinom mag-isa.
    Anakan ko lahat kayo mga Potang-na-nyo!

    -D-

    Teka, bakit anon pa rin gamit ko?

    Ako si Dimitri mga ulol

    ReplyDelete