Friday, July 10, 2009

Nang Lusubin ng Apat na Vahklitah ang Maynila 3

Ang huling pinuntahan ng 3 vahklita + 1 vhoy + 1 coñitang vehky ay ang simbahan ng Binondo. Sa kasawiang palad, sarado na ito. Sayang kasi maganda pa naman ang loob nito. At dahil wala na silang maiasipang gawin ay nagpicture, at nag picture, at nag picture na lang sila sa labas ng simbahan. Lahat pinatos. Jusme, si Totoy Mola, walang awa. Pati yung kabayo't karitela, pinatos. Di naman sya adek-adekan sa kodakan ano?

Fine. Aaminin ko na. May K sya magpapicture. Kasi gwapo naman sya. Kahit na sya ay isang tuod.

Wahahahahaha

So ayun, naging masaya si Eternal Wanderer last weekend. Nakasama nya't nakagimik sina Cubao Boy, Man4Boys, Totoy Mola, at Miley Cyrus. Ang mga ganitong moments ay hindi nya ipagpapalit kailanman. Hindi dahil masaya't makukulit silang kasama, kundi ito ang mga panahon na makapag-bond sa mga kaibigan na tunay.

At ang mga kaibigan na ganito ay masasabi ni Eternal Wanderer na mga kaibigan na worth keeping for the rest of his life.

Let's drink to that!


Related links:
Nang Lusubin ng Apat na Vahklitah ang Maynila 1
Nang Lusubin ng Apat na Vahklitah ang Maynila 2

2 comments: