Friday, June 19, 2009

Listahan

Mga kailangan kong gawin:

1. Paliguan si Musa (aso kong Rhodesian Ridgeback). Nangangamoy Musa na kama ko. Oo, Spice, kasama ko si Musa matulog sa kama. Though ang gusto ko talaga, ikaw sana katabi ko ;)




2. Bumili ng baterya ng cordless phone. Di ko tuloy magamit yung Magic Jack na binigay sa akin. San ba nakakabili nun?




3. I-text yung middle blocker namin na maglaro sya sa Sabado para kumpleto kami. Tama si Trip. Ang hirap magbuo ng team para makapaglaro ng volleyball.




4. Bumili ng oven at mga kagamitan pang-bake. Gusto ko talagang matuto magbake ng cake. Seryoso ako. At balak namin ng tropa magluto ng turkey. Yun tipong lalagyan pa ng bacon sa ilalim nung balat para self-basting ang effect. Panalo! Weird ba ang trip namin?




5. Tapusin ang mga librong binabasa ko. Nakatapos ako ng tatlo last week, at itong week inumpisahan ko naman yung Elven nation trilogy. Geek alert!!!





6. Mag-walking kasama si Pkf at Ting Ting Cojuangco sa Ateneo bago sila mag-ensayo. Maghahanap na rin ng makakalantarin doon. Wahahahahahaha




7. Magluto ng adobo na maraming bawang at gamit yung sukang iloko na binili ko nung Holy Week. Sabi nila, masarap daw ang timpla ng adobo pag gumamit ng sukang iloko :D




8. Linisan ng maigi ang kotse. Sumisigaw na sya sa akin, "HUGASAN MO NAMAN AKO, PARANG AWA MO NA!"




9. Bumili ng bagong cross-trainers. Apat na taon ko nang ginagamit yung Nike Max Air ko. Loshang na loshang na sya. Gusto ko sana yung 360, kaso sabi ni Cubao Boy, madali daw pumutok yung ilalim.




10. Maghanap ng jowa....Etchozzzz.




9 comments:

  1. uy ganda naman ng aso mo. babae ba o lalaki? pahingi naman pag manganak. hehehe.

    ReplyDelete
  2. oo linisan mo naman kotse mo.. lols

    ReplyDelete
  3. Trip: lalaki e :P

    EB: tseeee kaaaaaaa lolz

    ReplyDelete
  4. dyowa... asar ka naman eh! may rereto ako ayaw mo!!

    CHOOSY KA!!!

    ReplyDelete
  5. Jay Vee: hanuvaaaaaaaaaah

    WAHAHAHAHAHAHA

    ReplyDelete
  6. oo wag na ung air max.. mag hanap ka na rin ng dyowa na di madaling pumutok para long lasting...lol

    ReplyDelete
  7. Cuabo: ay tama ba naman yung suggestion na di madaling pumutok?!

    que barbaridad!

    ...

    WAHAHAHAHAHAHAHA

    ReplyDelete
  8. Sige, bake tayo. Sino ba si Ting Ting C?

    ReplyDelete
  9. Ay go go go@Cathy.

    Turuan mo akong gumawa ng red velvet cake mo :D

    Di mo pa ba kilala si Ting Ting? ;)

    ReplyDelete