Wednesday, July 8, 2009

Nang Lusubin ng Apat na Vahklitah ang Maynila 2

Nang matapos bilhin ni Man4Boys ang kanyang gagamitan para sa kanyang laruan (mahilig sya sa boy toys, pero this time e totoong toys for the boys ito), nagyaya syang pumunta ng Intramuros kasi di pa nakakadating doon si Totoy Mola simula nung maging b.s. sya. Hindi bulshet a. Bagong salta hahahahaha

Papasukin sana nila yun Rizal Shrine sa Fort Santiago, pero sarado na. Si Cubao Boy naman, di makapakali. Kuha ng kuha ng retrato sa kanyang dslr. Inagaw ni Eternal Wanderer ang camera at sinilip kung ano ang pinagkukukuha na shots. Baka naman kasi kung sino-sinong lalaki sa paligid na naman ang pinagkukukuha ni Cubao Boy. Pero hindi naman pala. Magaganda ang mga shots. May mga compostion churvie nang inaalam. Aba, e tunay na mahusay na photographer na si Cubao Boy!

Nilakad ni Eternal Wanderer, Man4Boys, Cubao Boy, at Totoy Mola mula Fort Santiago, patungong Manila Cathedral, hanggang San Agustin at babalik. Syempre inusyoso nila yung mga simbahan along the way. Mas malaki pala ang Manila Cathedral, pero mas maborloloy naman ang San Agustin. Nung pabalik na sila sa kotse, pinag-usapan nila kung saan sila magdidinner. Tutal nandoon na sila, might as well sa Chinatown na sila kumain. At dahil pussy na gala si Man4Boys ay alam nya ang mga pasikot-sikot ng Maynila. Agad nilang natumbok ang Wai Ying sa Buenaventura.

Nagutom ang mga vahklita 3 vahklita + 1 vhoy. Sang damukmok ang kanilang inorder: hakaw, radish cake, vegetable dumplings, dalawang taipao, beef wanton mami, white chicken mami, lemon chicken, at roast duck. Walang usap-usap nung dumating ang pagkain. Lafang kung lafang ang kanilang ginawa. Pero biglang tumili ulit telepono ni Eternal Wanderer.

Miley Cyrus: So where you guys na? (coñita ang nyetang vehky)
Eternal Wanderer: Nandito kami sa Wai Ying sa Binondo.
MC: Ay, really? Can I make sama ba with you if it's okay lang?
EW: Sure no problem. Where you ba? (nahawa na rin sa pagka-coñita)
MC: Basta I'm somwhere. I'll see you there na lang a!

Si Bb. Miley Cyrus talaga. Coñitang vehky na adek sa gimik. Kahit saang lupalop e papatusin nya.

Nang datnan silang apat ni Miley Cyrus, halos lupaypay na sila. Hindi dahil sa gutom kundi dahil sa bundat. Sinuggest tuloy ni Eternal Wanderer na maglakad at umikot ng konti sa Binondo para matanggal ang antok at pagkabundat. Kung anu-anong tindahan ang nakita nila doon. Pati yung orig na Eng Bee Tin e pinasok nila. Katapat nung Eng Bee Tin ay isang ubeng firetruck. Kakaiba ang kulay! Napaisip tuloy ni Eternal Wanderer. Anong itsura kung may 3 vahklita + 1 vhoy + 1 coñitang vehky na sumakay at gawing mala-float ng firetruck na may matching ube evening gowns.? Ang bonnga ever ng idea noh?

Related links:
Nang Lusubin ng Apat na Vahklitah ang Maynila 1
Nang Lusubin ng Apat na Vahklitah ang Maynila 3

6 comments:

  1. kelan pa naging vhoy si -D-?

    ReplyDelete
  2. natawa naman ako as coñitang vehky. LOLS

    ReplyDelete
  3. hindi bongga, KINKY! kinky ang ideya ng 3 vahklita+ 1boy +1 vekhy ang nakasakay sa isang purple firetruck! hahaha

    ReplyDelete
  4. EB: very Miley Cyrus, dabah? lolz

    Commuter: very priscilla, queen of the desert ang drama hehehehe

    ReplyDelete
  5. I'm not conyo kaya. LOLs

    WV: sperneth

    ReplyDelete