Si Eternal Wanderer ay nag-mistulang pusang gala (wandering pussy) nung Semana Santa. Sa sobrang kati nya, este, nung mga paa nya, ay nakaabot sya sa Ilocos nung Miyerkules, at bumaba ulit sya sa Maynila Biyernes ng gabi. Huminto pa nga sya ng byahe patunong hilaga para lang makapag-tanghalian kasama si Spice.
At sa mga nais makaalam, walang tantantining naganap kay Eternal Wanderer at Spice. Hello. Semana Santa kaya. Baka malatigo pa sila ng mga Moriones ng di oras.
Akala ni Eternal Wanderer nung nakabalik na sya sa Maynila ay tapos na ang kanyang pag-iiikot. Pero mali ang inakala nya.
Erpat ni Eternal Wanderer: Anong gagawin mo mamaya?
Eternal Wanderer: Wala naman. Pahinga siguro. Bakit?
EEW: Ipagmaneho mo ako. Sa Bataan.
EW: May ganun talaga? Teka, pwede bang mag-sama?
EEW: Sige. Kahit doon na kayo matulog.
Mabuti na lang isang butihing (at mas importante e kaladkaring) kaibigan si Cubao Boy. Sa loob ng 30 minutos ay nakaligo na sya't nasa bahay na ni Eternal Wanderer. Kaya hayun, wala pang 12 oras ang nakalipas e nasa NLEX na naman si Eternal Wanderer, nagmamaneho kasama ang kanyang humihilik na Erpat na nasa likod ng kotse, at ang butihin (at kaladkarin) nyang kaibigang si Cubao Boy na nasa harap namn na passenger seat. Inabot din sila ng 3 oras, pero nakaabot din sila sa kanilang destinasyon.
Sa location set ng Zorro.
ew. richard gutz... neber maynd! kala ko pa naman si brangelina nakita mo. hahahaha!
ReplyDeletehahahahahah naniniwala sa lumang tradisyon si E.W.?
ReplyDeletebawal kumain ng karne sa semana santa! ayaw ko maniwala sayo! lol
Jaime: Don't worry, I don't have the hots for Richard Gutierrez either :P
ReplyDeleteJay Vee: Bwiset.
wahahahahahaha
hayan, since di mo kinain karne ni Spice, malamang si Cubao Boy ang victim sa second part nito :)
ReplyDeleteDoc: Ay basta. Wait for part 3
ReplyDeletehihihihi