Monday, April 20, 2009

Close Encounters of The Showbiz Kind 3

Nung time na para kumain ng dinner, napaupo sa la mesa nila Eternal Wanderer at Cubao Boy si Chanda Romero at si Isabel Granada. Etchosera pala si Madame Chanda. Maraming kwento. Sobrang na star-struck si Cubao Boy. At sa sobrang pagka-star stuck nya, binalatan pa nya ng alimango si Madame Chanda. Napaka-galante naman ni Cubao Boy, ano? Si Isabel naman, very friendly (kaya first name-basis na sila ni Eternal Wanderer). Sya nag-introduce ng sarili nya sa kanila ni Cubao Boy, with matching shake hands pa. Sya din ang unang nag-greet sa kanila ng "Happy Easter!" pagkatapos nung misa na ginanap ng ala-una ng umaga.

Oo, marunong pa naman mag-simba si Eternal Wanderer at si Cubao Boy. Dahil hindi makapunta ang mga artista, staff, at crew sa simbahan para sa Easter Mass, e humanap sila ng pari with matching choir mula sa pinakamalapit na bayan para lang mag-misa sa may gazebo. Si Richard Gutierrez, nagtanggal ng kanyang Zorro costume at nag-attend din ng misa.

Bago pa man nag-umpisa ang service, e binulungan ni Erpats si Eternal Wanderer.

EWW: Hoy, kanta ka naman sa misa.
EW: E anong kakantahin ko?
EWW.: Kanta ka sa ending. Yung "Halellujah Chorus."
EW: Ano ka, sinuswerte? Hindi ko kaya kantahin ang soprano, alto, tenor, at bass parts na sabay-sabay! At kung kaya ko man yun gawin, e wala ring orchestra sa lalamunan ko para akompanyahan ako ano!

Pero di ba, boy scout si Eternal Wanderer? Hindi nya nakalimutan baunin ang kanyang I-touch (kelangan ba talagang sabihin na I-touch?) na may laman nang di lamang "Halellujah Chorus" kundi yung buong Handel's "Messiah." Nakita rin ni Eternal Wanderer na nagdidilim ang paningin ng Erpats nya dahil sa pasaway na sagot. Kaya minabuti na lang nya na makipag-compromise ng mabilisan.

Ang resulta? Naging sound technician si Eternal Wanderer, at inantabayanan na sabihin ng pari na "Tapos na ang misa" para patugtugin ang "Halellujah Chorus." Mas mabuti na yun kesa mapalayas sila ni Cubao Boy mula sa set ng alas-dos ng umaga, di ba?

Related links:
Close Encounters of the Showbiz Kind 1
Close Encounters of the Showbiz Kind 2
Close Encounters of the Showbiz Kind 4

No comments:

Post a Comment