Sunday, April 5, 2009

Tina Paner, Isdatchu? 1

Nagrereklamo si Dabo. Ayon sa kanya, nosebleed daw sya palagi pag nagbabasa sa blog ko. Si Herbs din, kahit na masugid na binabasa ang mga posts ko, e sumuko na rin. Dinugo na sya sa huling sinulat ko. So sige, para maiba naman, magkukwento na lang ako.

At ano naman daw ang ikukwento ko?

Ikukwento ko experience nang tamis ng unang halik ko.

Ahihihihihihi

Makulit si Cris Villanueva. Hindi katangkaran, pero cute at charming. At may pagkamanyakis. Kaklase ko sya nung h.s. sa isang paaralang puro mga lalaki (at nagdadalagang mga badidangs). Palagi nya akong pinipilyuhan sa bawat pagkakataon. Ako naman, pakipot. Maniwala man kayo o hindi, pinalaki ako ni Daisy Romualdez na conservative (hanggang ngayon conservative pa rin ako...oy walang aangal, pwede?) Kaya ang bawat kulit nya sa akin ay sinasagot ko ng "Ano ba, hindi ako bading." o kaya "Pwede ba, can you study na nga lang? We have a quizz kaya later." Nalitanya ko na yata lahat ng rason na pwedeng itabla ko sa kanya para lang lubayan ako. Hindi ko pinapahalata, pero ang totoo nyan e gustong gusto ko naman ang kanyang ginagawa.

Minsan, nung 1st year kami, niyaya nya ako pumunta sa banyo. Sabi nya, may ipapakita daw sya sa akin. Kunwari wala akong kamalay-may kung ano yun (kahit may nasusulyap na ako sa may bulsa ng pantalon nyang isang bagay na sigurado akong hindi lapis, ballpen, o pentel pen). Sabi ko, "What are you going to show ba?" Potah, pa-sweet and innocent effect pa talaga. Bumulong sa akin si Cris Villanueva ng malagkit, "Basta. Just go to the c.r. Doon sa may library a. Go ahead muna para walang makahalata." Nag-blush ako, at umiling na patungo. Kunwari ayaw, pero nagkandarapa ang mga paa na dalhin ako sa nasabing banyo.

Tumitingin ako sa salamin nung pumasok sya sa c.r. Hindi na sya nag-aksaya ng panahon. Sabi nya, "Eto o. Ito ang ipapakita ko sa iyo."

Tina Paner, Isdatchu? 2

5 comments:

  1. ano.. ANO!!!?? puyeta naman o.. nambitin pa!!! :) ehehehe...

    wordverif: UNDISCO... yes, very! ahahahaha!

    ReplyDelete
  2. ayyyy! hahaha. so um ano? wala bang continuation? :P

    ReplyDelete
  3. Jaime, Herbs, Mugen & Bampira: it's what you call delayed gratification

    wahahahha

    Bampira: thanks for dropping by! hope you enjoy what i've written so far :)

    ReplyDelete