Saturday, April 18, 2009

Close Encounters of the Showbiz Kind 2

Nagandahan ng husto si Eternal Wanderer sa location set ng Zorro. Sabi ng Erpats nya, isang bilyonaryo ang may-ari nito. Sa 400 hektarya ng lupain na may kasamang beach at bundok, e isa-isang nililipat ng bilyonaro ang kanyang mga nabiling mga mansyong bahay na bato na kung saan-saang lupalop nanggaling. Gusto pa nga nung bilyonaryo bumili ng na-lahar na lumang simbahan. Ngunit nag-alburuto na yung mga taong bayan. Tinangay na nga yung mga lumang bahay sa mga bayan-bayanan nila, e pati pa ba simbahan, tatangayin din? Pero ayos na ayos yung lugar. Napa-"Que rico!" nga ng di oras si Eternal Wanderer at kung ano-anu pang phrases na Español (may baon syang Spanish phrase book para lang sa okasyon na yon) dahil sa tuwa nya.

At talagang napa-"Que rico!" si Eternal Wanderer nung nakita nya si TJ Trinidad nakasampa sa isang kabayo. Sa loob-loob nya, ninais nya na sana sya na lang ang naka-sampa kay Señor Trinidad. Ngunit di nya ito masabi ng malakas dahil baka palayasin sya ng kanyang Erpats sa set ng di oras. Aba, di pwede yon dahil balak pa nila ni Cubao Boy i-display ang mga sarili nila sa beach.

Nung medyo mababa na ang araw, pumunta na sa dalampasigan si Eternal Wanderer at Cubao Boy. Karay-karay ni Cubao Boy ang kanyang dlsr na may kabaguhan pa. Maganda yung sunset. Natuwa ang mokong. Click sya ng click ng mga pictures. May karamihan din ang tao sa beach. Biglang sinentro doon ni Cubao boy ang pagkuha ng ng mga ritrato. Nagtaka agad si Eternal Wanderer. Di naman nila kaano-ano yung mga tao, pero kodak ng kodak pa rin si Cubao Boy. Tinanong nya kung bakit nya pinagkukukuhanan yung mga tao. "A slice of life subjects," sabi ni Cubao Boy. Pero di naniwala si Eternal Wanderer. Agad nyang inagaw ang camera, ay excuse me, mamahaling dlsr mula sa mga kamay ni Cubao Boy. Sinilip yung mga pictures.

Puñeta.

Kaya naman pala. Ang pinagkukukuha pala ni Cubao Boy e yung katangi-tanging yumminess sa beach (in fairness, may kasarapan naman talaga). Jusme, at may inaalam pang slice of life subjects kuno. Napakalandi talaga ni Cubao Boy! Sa mga oras na yun, gusto ni Eternal Wanderer kurutin sa utong ang sutil na si Cubao Boy (in fairness din, may kagandahan naman ang katawan ni Cubao Boy). Kung alam lang ni Eternal Wanderer na ganun lang ang aatupagin sa beach ni Cubao Boy, e di sana hinagis nya ang butihin (at kaladkarin) ngunit kerengkeng na kaibigan nyang ito habang humaharurot sa NLEX ng 110 kph. Pero ititira yung dlsr, para si Eternal Wanderer na lang ang kukuha ng mga ritrato ni Yumminess para sa sarili nya.

Related links:
Close Encounters of the Showbiz Kind 1
Close Encounters of the Showbiz Kind 3
Close Encounters of the Showbiz Kind 4

6 comments:

  1. hay naku EW sabi na nga ba puro nanaman to kalandian. hehehe.

    ReplyDelete
  2. talaga utong lang kukurutin mo?
    owwwss kalokohan! ikaw pa!

    hahahahahha :)

    ReplyDelete
  3. pwede bang siya pagpraktisan ko? hahahaha

    ReplyDelete
  4. Doc: Excuse me. Conservative po ako.

    lolz

    Jay Vee: Tseeeeh hahahahah

    Herbs: Pagpraktisan ng ano? ;)

    ReplyDelete
  5. um. ano hahahahaha. :-|

    too much info eh. hay nako. balik nalang nga ako kay Papa Jv.

    ReplyDelete