Tuesday, April 7, 2009

Tina Paner, Isdatchu? 3

Tina Paner, Isdatchu? 2

Nung hapon ding yun, inantay ko syang matapos mag-basketball. Takip-silim na at mukhang uulan nung matapos ang kanyang laro. Since sarado na ang classroom, doon ako sa bench sa labas tumambay. Naabutan nya kong nakaupo sa bench nung dumating sya.

"Are you done na?"

"Yeah, I'm tired na nga eh. Do you still have water in your Coleman? I'm really thirsty."

Boy Scout ako. Laging handa. Malamig na malamig ang tubig sa Coleman kasi singurado kong humingi ng ice sa cafeteria nung hapon pa lang. Alam ko kasing uuhawin sya.

Nakatayo sya sa harap ko habang nilaklaklak nya yung tubig. Sumimple ako.

"I read what you wrote in the book."

Hindi sya umimik. Tuloy pa rin ang inom nya.

Mabilis na dumidilim na sa paligid namin. Nasa dulo ng 2nd year wing yung classroom namin, at sa tapat nya ay may isang malaking pond. Sa tabi naman ay puno-punuan at talahiban na. Kami na lang ang tao sa wing na yun.

"I love you, too." sabi ko.

Napatigil sya sa pag-inom. Binaba ang Coleman. Tumitig sya sa akin. Diretso sa mga mata ko.

Nag-umpisa ng umambon. At nag-umpisang mag-ingay ang mga palaka't kuliglig.

Nilapit nya ang kanyang mukha sa mukha ko. Napapikit sya. Ako rin napapikit.

At sa gitna ng ingay na pumapatak na ambon sa bubong, sa mga kumokokak na palaka't nag-iingay na kuliglig, si Tina Paner a.k.a. Eternal Wanderer ay nakaranas ng tamis ng unang halik mula sa kanyang Cris Villnueva.

Romantic na romantic ba ang pakiramdam ko nun? Hindi masyado. Panira yung mga kokak ng palaka't maiingay na kuliglig. Namomoblema din ako nun kung paano ako uuwi kasi wala akong payong. And worse, si Cris Villanueva na nagbasketball buong hapon ay nangangamoy pawis na.

Pero ang unang halik ay unang halik. Totoo pala yun. Kahit na marami nang taon (at halik, at kung anu-ano pa) ang nakalipas, nakaukit pa rin sa gunita ang katamisan nito.

Cris Villanueva, kung nasaan ka man ngayon, leche ka. Napabayad pa ako ng fine nung saulian ng schoolbooks nung end of the school year dahil sa sinulat mong "I love you" sa biology book ko. Destruction of school property daw, sabi nung counter checker. Pero salamat na rin. Dahil sa 'yo, sa munting saglit na iyon, ako'y nagmistulang isang Tina Paner, at napakanta ng 'di oras nito:





P.S. Please feel free to sing-along. May lyrics na provided pa yung video! Hihihihihi

9 comments:

  1. Shucks, Dr. Mike, Jaime, Math, and Gillboard, soweeeee I accidentally deleted your comments huhuhuhu

    Will try to reconstruct your comments....

    ReplyDelete
  2. Dr. Mike has left a new comment on your post "Tina Paner, Isadatchu? 3 (End)":

    shet! di ko napigilan ang tumawa ng malakas. KOKAK!!! hehehe.

    wala na ba itong part 4? sana naman may serye ulit at try mong ikaw naman si madam auring at ung boylet ay si victor wood please... :p

    hehehe. peace!

    Posted by Dr. Mike to In Search Of at April 7, 2009 10:55 AM
    ---------------

    Dr. Mike: lolz@Madame Auring/Victor Wood!

    Thanks for passing by, and feel free to read my other posts :)

    ReplyDelete
  3. jamie da vinci! has left a new comment on your post "Tina Paner, Isadatchu? 3 (End)":

    romance can be a bitch talaga... who ever though that mating frogs as background music needs to get laid more often!!! hahahahaha :) nice story E.W.

    Posted by jamie da vinci! to In Search Of at April 7, 2009 7:46 AM

    ---------

    Jaime: Hehehehe thanks! Dabo and Herbs were right. It's a nice break from emo/nosebleed posts ;)

    ReplyDelete
  4. gillboard has left a new comment on your post "Tina Paner, Isadatchu? 3 (End)":

    yan ba yung kanta sa chowking? bawal youtube sa office eh... hehehe

    Posted by gillboard to In Search Of at April 7, 2009 4:44 AM

    ---------

    Gill: You have to see the video!!! hahahaha salamat sa pagdaan :)

    ReplyDelete
  5. Gram Math has left a new comment on your post "Tina Paner, Isadatchu? 3 (End)":

    have you tried looking for him in facebook or friendster?

    Posted by Gram Math to In Search Of at April 7, 2009 5:39 AM

    -----------

    Math: Nah, it's better to leave the memory unsullied as remembered ;) Salamat sa comment :)

    ReplyDelete
  6. halik lang? walang sex sa talahiban? dapa't sinabayan ang mga frogs, tapos ang haling-hing ay "kokak, kokak, kokak, koooooookakkkk" hahahahah :)

    ano ang next na teleserye?

    ReplyDelete
  7. Parang nainlahv naman ako sa blogeserye mwoh... pengeng hairpin lola, at kwentuhan mo pa ko...

    ReplyDelete
  8. powerpuff: hayaan mo, marami pa akong kwento lolz

    salamat sa pagdaan!

    ReplyDelete