Masarap ang tulog ni Eternal Wanderer at ni Cubao Boy dahil malamig ang aircon ng kwartong tinulugan nila. 'Wag kayong malisyoso. Walang nangyari sa kanila dahil matalik silang magkaibigan. Bawal mag-sex ang mga matatalik na nagkaibigan kasi sila ay magkakalasunan, o matatamaan ng kidlat, o lalamunin ng lupa (hango sa mga karanasan ni Eternal Wanderer ang mga kasabihan na ito). Hindi rin sila pwede mag-sex dahil kasama nila si Erpats sa kwarto, at kung madatnan man silang gumagawa ng milagro ala Judiel ng Agoo e baka palayasin sila ng di oras ng ala-sais ng umaga.
Nagtungo si Eternal Wanderer at Cubao Boy sa set para mananghalian dahil medyo ginugutom na sila. Hindi pananghalian ang nadatnan nila. Isang pyestahan pala. Napagdesisyunan ng the-powers-that-be na minsan lang sa isang taon ang Easter kaya nagpahanda sila ng isang damukmok na pagkain. May lechon, menudo, rellenong bangus, bistek, inihaw na liempo, dinuguan, lechong manok, leche flan, at hinalay, este halaeyang ube. Nabusog ng husto si Eternal Wanderer at si Cubao Boy. Kaya hayun, nahiya sila magpa-picture kay Bobby Andrews, Epy Quizon, Rhian Ramos, Pinky Marquez, at Leo Martinez kasi napaka-unglamorous na bundat ang tyan sa ritatro. Pero itataya ni Eternal Wanderer ang pagkadonselya nya na pati rin yung mga artista ay nagsipagbundatan ang mga tyan dahil sa sarap ng pagkain. Nagka-evil thought si Eternal Wanderer: magkakasya pa kaya si Rhian Ramos sa corset nya pagkatapos nung lunch?
Nung bandang 2:30 ng hapon, napag-pasyahan ni Eternal Wanderer na hindi na nya hihintayin na palayasin pa sya ng Erpat nya. Hinatak nya si Cubao Boy (na kumokodak pa rin ng mga pictures ng dalampasigan. Hindi na nag-bother si Eternal Wanderer na i-check kung totoong scenery or scenery ulit ng mga katawan ang kinukuhang mga pics), at nagpaalam na sila kay Erpats. Ang sweet ng Erpats ni Eternal Wanderer. Inabutan pa sya ng pang-gas. Alam nya kasi na butas na ang bulsa ni Eternal Wanderer dahil kakagaling ng nito sa Ilocos. Si Eternal Wanderer naman, nagpakapal ng apog. Kahit may tira pa ring pera mura sa trip nya, e kinuha pa rin yung gas money. Sayang naman. Pang yosi din yon.
So ano naman ang punto ni Eternal Wanderer sa kanyang pagsalaysay sa (napakahabang) kwento tungkol sa pagbisita nya sa set ng Zorro? Wala naman. Natuwa lang sya dahil naka-spend sya ng quality time kasama ang Erpats nya. Natuwa din sya dahil napatuwa nya yung kanyang butihin (at kaladkarin, at kerenkeng) na kaibigan nyang si Cubao Boy. Ganun lang naman si Eternal Wanderer e. Madaling mapasaya sa mga simpleng bagay sa buhay.
Pero ito ang huling tanong ni Eternal Wanderer: so sino ang gusto sumama naman sa kanya pag bumalik sya sa set ng Zorro?
Related links:
Close Encounters of the Showbiz Kind 1
Close Encounters of the Showbiz Kind 2
Close Encounters of the Showbiz Kind 3

asan sa kwento ang sex? at sex? at sex? hahahahahahahah :)
ReplyDeleteJay Vee: ala po akong alam sa mga ganyan.
ReplyDeleteMWAHAHAHAHAHAHA