Monday, April 6, 2009

Tina Paner, Isdatchu? 2

Tina Paner, Isdatchu? 1

Tinignan ko sya. Sa mata nya muna na kumikindat. Sa bibig nyang ngumingisi. At dahan-dahang ibinaba ang paningin ko patungo sa kamay nyang nakahawak sa kanyang crotch. Tinaas nya ang sports shirt nya't binuksan ang zipper. Dinukot ang nasa loob ng brief.

Susmariosep! Tumumbad ang buong glorya (malamang naman)! Hindi ko alam kung ang isisigaw ko ay "Halellujah!" o "Saklolo! Tulungan nyo! Hino-hold up ako!" dahil nakatutok ito sa harapan ko at tila yatang gustong i-heist ang pagkadonselya ko.

Natulala ako. Ngayon lang ako nakakita ng naghuhumindig na live na junjun (actually hindi, pero ibang istorya na yun). Kunwari ay na-shock ako't hinagis ko sa kanya yung pad paper na dala-dala ko. Dali-dali akong lumabas ng banyo sabay sabi ng "Heh! Ang bastos mo!"

Bumalik ako sa classroom na hinihingal at pinapawisan. Hot and bothered kung baga. Ang gago, pumasok sa classroom nakingiti't sabay halik sa ere sa akin. Pero di ba, sabi ko sa inyo, pakipot ako? So hayun, hindi kinausap ng nagmamaria clarang Eternal Wanderer si Cris Villanueva buong linggo. May mga linya pa akong "I don't want to have anything to do with you. You're a pervert." habang masugid na nagsosorry't nanglalambing sya. Pero mabait naman ako na tao (hanggang ngayon. At totoo yon a). Nang maglaon, tinanggap ko ulit sya sa buhay ko. Happy-happy at balik sa routine namin na haharutin nya ako at ako naman ay nagreresist sa kanya.

Nung 2nd year namin, nag-graduate kami sa sige-na/ayoko-nga na routine. Madalas na syang tumatawag sa akin. Halos gabi-gabi e nagtetelebabad kami ng kung anu-ano kahit na buong araw e magkasama kami sa class. One time, humiram sya sa akin ng schoolbook. Pagbalik nito the next day, may nakasulat na sa likod ng title page.

I love you.

Buti na lang, marami akong hairpin na baon nung araw na yon. Kundi, siguro naapakan na ng mga clasmmates at teachers ko ang buhok ko na nag-uumapaw sa haba mula sa bunbunan ko hanggang sa pintuan ng classroom namin.

Tina Paner, Isdatchu? 3

10 comments:

  1. delayed gratification.... tantric "ehem" 101 pala ito. punyeta po parin rin... i hate bitin. :)

    ReplyDelete
  2. hay naku, kung hindi nosebleed ang aabutin ko, sasakit ang puson kasi bitin. hehehehe

    ReplyDelete
  3. Uy exciting! Hehehe. [/me nagnenenok ng Chippy mula sa tindahan ni aling nena para may kukutkutin habang nagkwekwento si Lola Basyang ng kanyang Part 3.]

    ReplyDelete
  4. Jaime & Doc: Hanuvahhh...patience, patience! heheheh

    Mugen: Ay pahingi naman! Nenok mo na rin ako ng cheese curls kung meron lolz

    ReplyDelete
  5. sa ganito pala hahantong ang tina paner collection? hahaha... abangan!. ;)

    ReplyDelete
  6. hahaha... mas natawa ako sa concept ni cris villanueva at tina paner... pwede bang maging criselda volks? hahahaha!!!!

    ReplyDelete
  7. xerex xaviera, isdatchu????

    at nosebleed din akop sa entries mo. hindi tinuro sa matute school of fashion yang mga sinusulat mo.

    tse!

    ReplyDelete
  8. Trip: Naman! Jologs kung jologs, pero deadma lolz

    Wandering: Basta, abangan mo yung last post tom. I'm sure masisiyahan ka hahahaha

    Empoy: hanggang dito biwset ka pa rin sa buhay ko wahahahahaha mwah

    ReplyDelete
  9. kailangan ba talaga nabibitin? :(

    gaano katagal ang teleserye na toh?

    ReplyDelete
  10. Jay Vee: Kasi kung isang buong post, masyadong mahaba. So hinati ko na lang sa 3. Para di ko na rin kailangan mag sulat ng 3 araw.

    wahahahahahah

    ReplyDelete